Sunday Pinasaya director apologizes to AlDub Nation

Ikinagalit ng AlDub Nation ang pagla-like ng Sunday Pinasaya director na si Rich Ilustre sa panlalait diumano ng isang Twitter user kay Maine Mendoza, ang ka-love team ng isa sa mga mainstay ng programa na si Alden Richards.


Humingi ng paumanhin ang direktor ng Sunday Pinasaya na si Rich Ilustre sa AlDub Nation kaugnay ng naging post niya sa Twitter ngayong Lunes, December 7.

May kinalaman ito sa pagla-like niya sa isang post ng isang Twitter user na tila nilalait si Maine Mendoza, ang ka-love team ni Alden Richards.

Si Alden ay isa sa mainstay ng weekly comedy-musical program na Sunday Pinasaya na idinidirek ni Rich.

Sa susunod na Linggo, December 13, ay nakatakdang mag-guest si Maine sa Sunday Pinasaya sa unang pagkakataon.

Kaugnay nito ay may isang follower sa Twitter si Direk Rich na nagsabing bihisan nang maganda si M (Maine) para hindi raw magmukhang yaya, na siyang karakter na ginagampanan nito sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Ni-like ni Direk Rich ang post na ito, na siyempre pa ay hindi nagustuhan ng maraming miyembro ng AlDub Nation.

Tila nadagdagan pa ang inis ng mga tagahanga ni Maine sa naging sagot ni Direk Rich diumano sa isang tanong ng isang tagahanga kung si Julie Anne San Jose ba ang girlfriend ni Alden sa tunay na buhay.

Dating na-link romantically sina Alden at Julie Anne at magkasama sila ngayon sa Sunday Pinasaya.

May nag-screen shot na "yup" ang naging sagot ni Direk Rich.

Ngunit giit naman ng ibang followers ng direktor, in-edit lamang iyon dahil ang orihinal na sagot nito ay "nope."

Pero sa pakikipag-usap ng entertainment columnist na si Allan Diones kay Direk Rich, ipinaliwanag nitong inaantok pa siya nang mabasa ang nasabing tweet ng fan.

Ang basa raw kasi niya noong una ay "friend" sa halip na "girlfriend" kaya sumagot siya ng "yup."

Nang ma-realize niyang mali ang kanyang pagkakabasa at ang naging sagot niya ay agad daw niya itong binura.

Pero kumalat na raw ito agad sa social media.

Dahil dito ay umusok ang galit ng AlDub Nation at ipinahayag ang kanilang dismaya laban sa direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli ay humingi ng paumanhin si Direk Rich sa AlDub Nation sa pamamagitan ng Twitter.

Inako rin ng direktor ang kanyang pagkakamali at tiniyak na magiging maingat na siya sa kanyang mga post.

PLAYDATE. May ilang naghihinala na ang kaguluhang ito ay may kinalaman sa nalalapit na pagpapalabas ng unang pelikula nina Alden at Maine, ang My Bebe Love #kiligpamore, na entry sa Metro Manila Film Festival 2015.

Isa lamang daw itong paraan para subukang sirain ang tambalang AlDub dahil marami ang nag-aabang sa unang pelikula nila bilang magka-love team; kung saan kasama rin nila sina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas.

Nakaabot na sa kaalaman ng direktor ng My Bebe Love na si Jose Javier Reyes ang tungkol sa isyung ito, kaya ang payo niya sa AlDub Nation:

Samantala, nag-post din si Maine ng maikling mensahe sa kanyang Twitter account ngunit hindi niya direktang tinukoy kung para saan ito:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN