Alden Richards and Maine Mendoza: Are they both in love?

Maine Mendoza and Alden Richards open up to BBC World News anchor Rico Hizon about their phenomenal love team and the possibility of having a relationship in real life.


Kalakip sa special report ng BBC News na umere ngayong araw, December 8, ang exclusive interview ni Rico Hizon kina Alden Richards at Maine Mendoza, na naganap ilang linggo na ang nakararaan sa mismong studio ng Eat Bulaga! sa Broadway Centrum.

Inusisa ni Rico sa dalawa kung ano ang masasabi nila sa bilis ng pagsikat ng kanilang love team.

Ayon kay Maine, "It's very overwhelming.

"I mean, everything that's happening right now hasn't sunk in to me yet.

"I mean, the mere fact that people are so engaged and drawn into this whole thing is unbelievable.

"I mean, the support and love our fans are giving us is amazing, they're incredible."

Dagdag naman ni Alden, "Incredible... Well, basically, AlDub is just an accident.

"Nobody planned this, nobody knew that it would turn out this way.

"Nobody knew that it would be this successful."

Nang tanungin naman kung ano ang aabangan sa AlDub ay binanggit ni Alden ang una nilang pelikula ni Maine na ipalalabas sa Metro Manila Film Festival simula sa December 25.

Pagkatapos nito ay tinanong ni Rico ang gustong malaman ng lahat: Are you both in love?

Nakangiting sagot ni Alden, "Well, that's for the people to find out very soon."

Pagsang-ayon ni Maine, "Very soon, yes."

Dahil sila ang most sought-after endorsers sa Pilipinas ngayon, inusisa ni Rico kung ang ginagawa ba nilang pagpapakilig ay isa lamang act para sa kanilang sponsors at endorsers.

"What do you think?" balik-tanong pareho nina Alden at Maine.

Pero dagdag ni Alden, "Well, whatever we have now, we're just making the most out of it and we're just having fun..."

Singit ni Maine, "No pressure..."

Sabi pa ni Alden, "With regards to that question, that's for the people to find out."

Dagdag ulit ni Maine, "We're not closing our doors anyway to what's going to happen next between the two of us."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iginiit din nina Maine at Alden ang pahayag nila noon na pareho silang bukas sa posibilidad na magkaroon sila ng relasyon sa tunay na buhay.

Alden: "We are. We're not closing doors."

Maine: "We're both single anyways."

Alden: "So that possibility is possible."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN