Jackie Rice believes Alden Richards and Maine Mendoza are destined to become successful

Jackie Rice on the possibility of being paired with Alden Richards in a soap: "Naku, baka patayin ako ng mga fans nila [AlDub]! Baka patayin ako ng mga tao! Ano na lang, best friend na lang ako ni Yaya Dub. Ang role ko yung ganun na lang, okay na yun.”


Para sa StarStruck batch 3 Ultimate Female Survivor na si Jackie Rice, ang pagkaka-eliminate ni Alden Richards sa nasabing reality search noong 2009 ay patunay na walang nakakaalam kung ano ang naghihintay sa mga artistang kagaya nila.

Saad niya, “Minsan, naglalakad ka lang sa likod pero, di ba, pagdating ng araw, yung mga bida dun, mas nahigitan mo pa?

"More than siguro, times one hundred!

“Wala naman talaga yun sa reality show.

"Kung anuman, napatunayan niya kung sino siya nang walang ano.

“Mas maganda yun, di ba?”

Naniniwala rin si Jackie na kapalaran din ni Maine Mendoza, ang other half ng AlDub tandem, na sumikat nang husto kahit wala siyang sinalihang talent search o reality show.

“Kapalaran talaga nila. At saka masaya ako dahil nagbibigay din sila ng saya sa tao.

"Kahit ako, kinikilig. Fan din ako ng AlDub!" bulalas ng Kapuso actress.

Ano ang gagawin ni Jackie kung sakaling ipareha siya ng GMA Network kay Alden sa isang soap opera?

“Naku, baka patayin ako ng mga fans nila!” ang tumatawang tili ni Jackie. “Baka patayin ako ng mga tao!

“Ano na lang, best friend na lang ako ni Yaya Dub.

"Ang role ko yung ganun na lang. Okay na yun!" at muling tumawa si Jackie.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jackie sa taping ng long-running gag show na Bubble Gang sa GMA Annex Building noong December 7.

SARAH LAHBATI. Ultimate Female Survivor (season 5) din si Sarah Lahbati, na lumipat sa Kapamilya network mula GMA this year.

Ano ang nararamdaman ni Jackie kapag napapanood niya si Sarah sa ABS-CBN?

“Masaya naman ako para sa kanya. Mabait si Sarah,” sagot ni Jackie.

Sinabi namin kay Jackie na halos ganito rin ang sagot ni Kris Bernal nang makausap namin siya sa presscon ng Little Nanay.


Si Kris ang tinanghal na Ultimate Loveteam (kasama ni Mart Escudero) ng StarStruck batch 4.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Jackie, “I mean, pumasok kami sa pag-aartista. Iyon yung way namin para, di ba? Hindi namin alam, e. Mga bago kami.

"Wala kaming kamag-anak sa showbiz. So kung lumipat siya [Sarah], choice niya yun kasi siguro dun siya may work, di ba?

“Huwag naman tayo manghusga. Pero kung dun siya magkaka-pera, siyempre hindi kami bumabata, e.

“Yun naman yung reality dito.”

Naisip din ba ni Jackie na lumipat o “mangibang-bakod”?

“Wala lang,” at tumawa siya. “Wala akong maisasagot diyan. Ang hirap ng tanong mo.”

At muli itong tumawa.

Dagdag ni Jackie “May kontrata ako sa GMA, another five years. Kapipirma ko lang nung August.”

Regular na napapanood si Jackie sa Buena Familia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN