Sid Lucero admits relationship with Annicka Dolonius

Sid Lucero on Annicka Dolonius: "Sometimes kasi, when you want to do a scene with someone close to you or close to the real thing or sensitive, sometimes you have to talk about it or sometimes kakapain mo yung tao. For some reason, with this one, we understood each other and we did the scene, and I felt ‘Wow, this is amazing!’ And we became really good friends."


Inamin ni Sid Lucero na four to five months na ang relasyon nila ng aktres na si Annicka Dolonius.

“We’re always together,” nakangiting banggit ni Sid.

Natatawa pa itong nagsabi na, “Pinagpawisan akong bigla!”

Sinama ni Sid si Annicka sa presscon ng Toto (Whatever It Takes), isa sa official entries sa New Wave category ng 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF), kung saan bida ang aktor.

Sinagot ni Sid ang mga tanoong tungkol sa kanyang love life kahit naiilang siyang mapag-usapan ito.

Kailan nagsimula ang relasyon nila ni Annicka?

Sagot ni Sid, “Sa movie. We did Apocalypse, but I met her before na.

"She’s a friend of my sister and, in fact, I met her in her dad’s house because we have common friends.

“I had a conversation about movies and years later, we did a movie.

"And then, we just talked and talked and talked and then..."

Ilang babae na rin ang nakarelasyon ni Sid. Kaya tinanong namin siya kung ano ang meron sa kanila ni Annicka at nag-click sila?

Tugon ng aktor, “Honestly, I don’t think I’ve ever met anyone who has the same philosophy that I do when it comes to my craft.

"Sometimes kasi, when you want to do a scene with someone close to you or close to the real thing or sensitive, sometimes you have to talk about it or sometimes kakapain mo yung tao.

“For some reason, with this one, we understood each other and we did the scene and I felt, ‘Wow, this is amazing!’

"And we became really good friends.

“I think it started when I asked her who her favorite actor is and she said, ‘Gary Oldman.’ And I like him.”

Si Annicka na ba ng “the one” para kay Sid?

Natatawang sagot ng aktor, “Grabe ka, ha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m 32 na already and I have my daughter. You’re asking me this question?"

Bawi niya, “Of course, you don’t get into a relationship if you’re not looking too far.”


ALESSANDRA DE ROSSI. Best friends din ang turingan nina Sid at Alessandra de Rossi bago sila nagkarelasyon.

Bumalik ba ang pagiging mag-best friends nila nang mag-break sila?

Tugon ni Sid, “We haven’t spoken to each other since then.”

Nagsisi ba siya na nawala ang pagiging magkaibigan nila ni Alessandra dahil nagkaroon sila ng relasyon?

Sagot ni Sid, “Oo naman.

"Well, hindi naman regret kung saan siya humantong.

"Pero yeah, because we felt that we have to go through exactly what happened, to become better people, I think.

“But you know, it’s sad because all my life in show business, she’s been my friend.

“But I think, well... to know that kind of love, it makes it worth it, I think.”


MARA LOPEZ. Samantala, itinanggi ni Sid ang balitang may relasyon sila ng leading lady niya sa Toto na si Mara Lopez.

“No, for the first time since we met kasi, I met her through her mom, kay Maria Isabel Lopez. And then nagkita kami sa Urian, I think.

“I think she’s representing a movie and I received an award on behalf of my dad [the late Mark Gil].

"Nagkita kami fun. Tapos, nung paalis na kami, yun na, may isyu na kami."

Wala bang na-develop kina Sid at Mara nung ginagawa nila ang Toto?

“Wala naman. We’re really teammates sa jiu jitsu,” tugon ni Sid.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN