Jennylyn Mercado declines to answer questions about JM de Guzman’s exit from Walang Forever

Umiwas si Jennylyn Mercado na pag-usapan ang mga isyung umiikot noon tungkol sa totoong dahilan ng pagkawala ni JM de Guzman sa pelikulang Walang Forever. Masaya raw siya na si Jericho Rosales ang pumalit dito dahil ang gaan daw katrabaho ng Kapamilya actor.


“Ayoko nang pag-usapan 'yan.”

Ito ang naging tugon ni Jennylyn Mercado nang mausisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung totoo bang may kakaibang pinaggagawa noon si JM de Guzman sa set ng Walang Forever, na ikinatakot daw niya at ikinaalarma ng producers kaya ito napalitan ni Jericho Rosales.

May mga bulung-bulungan kasi noon na kaya napalitan si JM sa proyekto ay dahil sa mga kakaibang ikinikilos daw nito sa set at naging pabigat din sa produksiyon.

Pero hindi ito nabigyang-linaw sa grand presscon ng Walang Forever kaninang tanghali, December 8, sa Kuya J restaurant, sa SM Megamall, Ortigas Center, Mandaluyong City.

Bagkus, ayon sa Quantum Films producer na si Atty. Joji Alonso, hindi na nila mahintay na mabakante ang schedule ni JM para gawin ang kanilang pelikula.

Read: JM de Guzman replaced by Jericho Rosales in Walang Forever


EASY TO WORK WITH. Kasunod na tanong namin kay Jennylyn ay kung mas magaan ba ang naging takbo ng shooting nila noong humalili na si Jericho sa nabakanteng puwesto ni JM sa pelikula.

Pag-amin ng Kapuso actress, “Magaan… well, magaan siya kasi magkaiba naman sila, e.

“Magkakaiba naman tayo bawat tao, e, pero masarap lang na si Echo siya… si Echo bilang tao…

"Well, hindi ko naman talaga matagal na nakasama si JM…

"Si Echo kasi, medyo matagal talaga yung pinagsamahan namin, e.

“Kaya na-appreciate ko siya at talagang napakabait na tao.”

Ito rin ang unang beses na nagkatrabaho silang dalawa.

Kumusta nga ba si Jericho katrabaho?

Ayon kay Jennylyn, “Siyempre masarap siyang katrabaho kasi sobrang galing niya.

“Talagang, kumbaga, may mga times na hindi ka naman laging nasa kundisyon, di ba?

"May mga times talaga na mararamdaman mo yung suporta niya. Tutulungan ka niya talaga.

"Kung ganun yung kaeksena mo, parang madadala ka na rin, di ba?"

BACK-TO-BACK WIN? Si Jennylyn ang itinanghal na Best Actress noong Metro Manila Film Festival (MMFF) 2014 dahil sa kanyang pagganap sa English Only, Please.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakakaramdam ba siya ng pressure ngayon dahil may mga umaasang muli niyang masungkit ang top acting award sa MMFF 2015?

Tugon ng 28-year-old Kapuso star, “Ayoko ng may pressure, e.

"Ever since nang pumasok ako sa industriya na ‘to, never kong binigyan ng pressure ang sarili ko.

"Nakikipag-compete lang ako sa sarili ko, pero sa iba hindi.”

Ano ang maaasahan ng mga tao sa Walang Forever?

Ani Jennylyn, “Well, maiiyak yung mga tao, matatawa sila, kikiligin sila.

"Sa ngayon, yun lang muna.”

Ano ba ang kaibahan ng karakter niyang si Tere noon sa English Only Please at sa karakter ni Mia sa Walang Forever?

Paglalarawan ng aktres, “Kakaiba siya kasi bukod sa drama siya, character-wise, ano siya e, mahinhin, tapos cute siya.

"Hindi masyadong nagsasalita, masyado siyang seryoso sa buhay.

“Iba talaga. Mas mahirap yun, e, yung hindi nagsasalita, kailangang makita sa mata, e.

"So, mas mahirap siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN