Jennylyn Mercado on relationship status with Dennis Trillo: “Magkaibigan kami, ganun lang yun.”

Mariin pa ring itinanggi ni Jennylyn Mercado na may namamagitan sa kanila ni Dennis Trillo higit pa sa magkaibigan. Hindi pa rin daw nahahanap ng Kapuso actress ang kanyang ‘forever.’


Iwas pa rin si Jennylyn Mercado na matanong tungkol kay Dennis Trillo.

Maiiksi ang kanyang sagot kapag tungkol na sa aktor ang takbo ng usapan.

Paaano niya idi-describe ang relasyon nila ngayon ni Dennis?

“Magkaibigan kami, ganun lang yun,” sabi ni Jennylyn.

Matagal-tagal na ring napabalitang muling nagkabalikan ang dalawa, ngunit nananatiling tikom ang kanilang bibig sa totoong estado ng kanilang relasyon.

Kaya naman sa presscon ng pinagbibidahan nitong Metro Manila Film Festival 2015 entry na Walang Forever, naitanong kay Jennylyn kung ano ang mga hinahanap niyang qualities sa isang lalaking masasabing ‘forever’ na niya.

Sabi ng 28-year-old Kapuso star, “Siyempre importante, unang-una, yung tatanggapin yung anak ko.

"Importante yun, hindi naman ako dalaga…

"I mean, may anak ako, so importante yun na tanggapin niya sino ako, yung pamilya ko."

Si Jennylyn ay may seven-year-old son mula sa kanyang ex-boyfriend na si Patrick Garcia.

Hindi pa ba siya naghahanap ng kanyang 'forever'?

Mabilis na sagot ni Jennylyn, “Hindi pa po, hindi naman po ako nagmamadali.”

Wala pa ba ito sa nali-link sa kanya ngayon?

Diin ng aktres, “Wala pa. Wala pa po.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Jennylyn sa grand presscon ng Walang Forever ngayong Martes, December 8, sa Kuya J Restaurant, SM Megamall, Ortigas Center, Mandaluyong City.

EUROPE GETAWAY. Hindi naman itinanggi ni Jennylyn na magkasama nga silang nagbakasyon ni Dennis sa Europe nitong nakaraang linggo.

Pero barkada raw silang nagbabakasyon doon at matagal na itong nakaplano.

Read: Jennylyn Mercado, Dennis Trillo vacationing together in Amsterdam?

Mas naging close ba sila ni Dennis dahil sa kanilang naging bakasyon?

Ani Jennylyn, “Masaya kasi, kumbaga, pahinga na namin yun, e, pagkatapos ng soap namin [My Faithful Husband].

“Pahinga na rin namin yung bakasyon, nag-usap kami na, ‘Ano tayo, deserve natin ‘to, kasi ang tagal nating nagtrabaho na halos isang taon tayong kumakayod.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas masarap yung pakiramdam na aalis ka muna sa bansa. Ibang environment naman.

“Sa Europe, nakikita mo yung magagandang lugar, yung iba... iba siya.

"Dito [sa Pilipinas], maraming nakakakilala sa 'yo; doon may freedom ka to do everything.

“Maglakad ka, mag-short ka lang o ano, hindi ka nila papansinin.

"Masarap lang yung feeling na parang normal ka lang na tao kapag nasa ibang lugar ka."

Dahil sa bakasyon nilang ito sa Europe, lalong lumakas ang bulung-bulungang ibang level na ang samahan nina Jennylyn at Dennis.

Pero deadma lang daw silang dalawa tungkol dito.

Saad ni Jennylyn, “E, ganun naman yata talaga, e.

"Ang ano na lang namin, hindi na lang namin papansinin, hindi magpaapekto.

"Parang masarap lang na tahimik lang."

Itinanggi naman niya ang balitang nag-unfollow sila sa isa’t isa sa Instagram.

“Ano ba yun, saan nanggaling 'yan? Wala namang problema.”

Pinabulaanan din ni Jennylyn ang kumakalat na balitang nag-propose na raw ng kasal si Dennis sa Amsterdam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN