Robin Padilla returns to ABS-CBN; signs two-year exclusive contract

Inanunsiyo ni Mariel Rodriguez na magbabalik-Kapamilya ang kanyang asawang si Robin Padilla at pipirma ng exclusive contract sa ABS-CBN ngayong Miyerkules, December 9.


Balik-Kapamilya ang action star na si Robin Padilla, ayon mismo sa misis niyang si Mariel Rodriguez.

Naging masigasig si Mariel sa social media ngayong Miyerkules, December 9, para sa pag-anunsiyo ng pagbabalik ni Robin sa ABS-CBN.

“I am so happy for you! Finally going back to the network you belong to,” simula ni Mariel sa kanyang Instagram post ngayong araw.

Dagdag ng TV host-actress, “Can't wait for the projects they have in store for you. The Action King is home!!!! God is good!!!

“Supporting you all the way.

“I will make sure we have a happy house to come home to so that you will be more inspired to go to work.

“Extremely excited to announce that everyone's idol, Robin Padilla, is signing his exclusive contract with the Philippines’ largest Network, ABS CBN, today.”

Ginamit ni Mariel ang hashtag na #robinpadillakapamilya na nag-trend din sa Twitter ngayong umaga.

Bago ang pagbabalik ni Robin sa ABS-CBN, galing siya sa TV5 kung saan gumawa siya ng ilang proyekto; kagaya ng sitcoms at reality-based show.

Naging aktibo rin si Mariel sa pagre-retweet at pagsagot sa Twitter.

May mga fans kasi si Robin na nag-tweet na gusto nilang makita ang aktor na gumawa ng proyekto kasama ang ilang Kapamilya stars, kagaya nina Coco Martin at ang pamangkin nitong si Daniel Padilla.

that sounds so good #robinpadillakapamilya https://t.co/lpt7D801tu

— Mariel T. Padilla (@marieltpadilla) December 9, 2015

that would be sooo cool!!! love that #robinpadillakapamilya https://t.co/nfvwcQxpsj

— Mariel T. Padilla (@marieltpadilla) December 8, 2015

At nito ngang tanghali ay pumirma na si Robin ng two-year exclusive contract sa ABS-CBN. Kabilang sa proyektong gagawin niya ay isang teleserye na may father-and-son theme.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN