Ruru Madrid and Gabbi Garcia surprised that they are being paired with other actors

Sa kabila ng pagpapareha sa kanila sa ibang artista, umaasa pa rin sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid na muling magkakatrabaho para sa isang proyekto.


Aminado sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia (na kilala rin bilang GabRu) na nami-miss nila ang makatrabaho ang isa't isa.

Apat na buwan na kasi ang nakalilipas mula nang huli silang magkatrabaho.

Na-launch ang team-up nina Gabbi at Ruru sa primetime teleseryeng Let The Love Begin earlier this year, at nagkaroon agad sila ng following.

Sa kasalukuyan, napapanood si Gabbi bilang isa sa co-hosts sa Wowowin tuwing Linggo, habang kasama naman si Ruru sa afternoon teleseryeng The Half Sisters, at ipinapareha kay Barbie Forteza.

Hindi pa raw alam ng dalawa kung kailan sila muling magkakapareha.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang bloggers sina Gabbi at Ruru sa kanilang birthday charity na ginanap sa House of Refuge sa Quezon City na inorganisa ng GMA Artist Center nitong December 8, Martes.

NOTHING IS PERMANENT IN SHOWBIZ. NAni Gabbi, halos isang taon silang nagsama ni Ruru sa mga proyekto bilang magka-love team.

Sa tanong kung ano ang pakiramdam na maipareha sila sa iba, sagot ng 17-year-old na aktres, “It’s a different thing, it’s a different career move.

“Ako, I support him na may The Half Sisters siya kasi it’s a career move for him.

“Being an artist, he’s strong as an individual and gusto ko rin ma-reach yung point na maging strong as an individual.

“For our fans, I think they understand, pero syempre hindi pa rin maiiwasan yung hurt feelings.

“Pero yun nga, as I’ve said, it’s showbiz, it’s work, it’s something different na hindi talaga siya permanent. Nothing is permanent in showbiz.”

Aminado rin si Gabbi na ikinagulat niya noong una ang paghihiwalay sa kanila ni Ruru bilang love team.

“Honestly, I was surprised at first kasi I had no idea it was coming. Pero ako kasi I support Ruru in any project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So kumbaga, sa personal life, we’re really close. So I don’t mind, actually.

“We’re just being professional as an artist.”

Samantala, naipapareha rin si Gabbi sa ibang aktor kagaya ni Kiko Estrada.

REUNITED WITH BARBIE. Hindi rin daw ito inasahan ni Ruru, lalo pa’t ang pagkakaalam niya, ang susunod niyang soap matapos ang Let The Love Begin ay sa 2016 pa.

“Actually, after Let The Love… nagpaplano ako na magpaganda ng katawan. Everyday gym kasi, yun ang plano ko, 'tapos hindi na ako kakain ng junk food, ganyan.

“Kumbaga, ang sabi sa akin, ang next soap ko daw next year pa.

“And then biglang tinext ako ng manager ko na in-offer-an ako ng The Half Sisters na ipasok ako do’n and then matagal na raw akong ino-offer-an do’n, before Let The Love… pa daw, before My Destiny pa nga raw.”

Dahil daw libre na siya, ipinasok daw siya sa nasabing teleserye.

Third wheel si Ruru sa love team nina Barbie Forteza at Andre Paras sa The Half Sisters.

Kampante naman si Ruru na hindi masyadong ipu-push ang pagpareha sa kanya kay Barbie lalo pa’t may following din daw ang love team nina Barbie at Andre.

Pero paglilinaw ni Ruru, masaya siya na makapareha si Barbie, lalo pa’t ang nabanggit na aktres ang una niyang naging leading lady.

“Masaya naman ako na maka-pair si Barbie dahil si Barbie ang agad na naka-pair ko sa first soap ko, Paroa (2012) tapos andami naming guesting sa Maynila na kami rin ang pareha.

“Parang magaan na rin ang loob ko sa kanya, tapos kaibigan ko rin siya sa totoong buhay.”

Sa kabila nito, kampante si Ruru na muli silang magkakapareha ni Gabbi sa isang proyekto.

“Maraming nagre-react sa mga fans na nakasanayan ang GabRu, pero I'm sure naman naiintindihan naman nila yun, kumbaga work lang naman ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m sure naman na magkaka-work pa rin kami ulit ni Gab.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN