Cai Cortez maintains “positive vibes” despite controversial revelations

Base sa post at comments ni Cai Cortez, mas pinipili ng aktres na manatiling positibo at huwag magpaapekto sa kinasangkutan niyang kontrobersiya kamakailan, kung saan umamin siya sa isang interview kung sino ang male celebrities na nagkaroon siya ng intimate encounter.


Mas pinipili ni Cai Cortez na maging positibo pagkatapos ng isyung kinasangkutan niya kamakailan.

Noong November 13, sa podcast show ni DJ Mo Twister na Good Times With Mo, ibinunyag ni Cai ang male celebrities na nagkaroon siya ng sexual encounters.

Read: Cai Cortez reveals sexual encounter with Tom Rodriguez, other male celebrities

Dahil sa mga rebelasyon ni Cai, marami ang bumatikos sa anak ni Rez Cortez.

Nag-text ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Cai noong November 27 upang kunan siya ng reaksiyon hinggil sa isyu subalit hindi siya sumagot.

Ayon naman sa kakilala ni Cai, pinayuhan ang aktres ng kanyang manager at pamilya na huwag na lamang magsalita.

Samantala, sa Instagram account ng aktres, isang netizen ang binatikos si Cai sa kanyang mga rebelasyon.

Ginamit pa nito ang mga salitang “yuck,” “nakakahiya,” at sinabi pang kung lalaki ito ay hindi niya tatabihan ang aktres.

Ipinagtanggol naman si Cai ng ilan sa kanyang mga tagasuporta at hinimok ang aktres na huwag na lamang pansinin ang bashers niya.

Isa pang follower ni Cai ang binatikos ang nasabing basher sa pagtawag niya ng “yuck” sa aktres.

“What's yuck about dat? Is it becoz she's not as sexy d other girls out there? Maganda sya, talented magaling na artista... what's not to like about her?”

Dugtong pa ng nasabing netizen: “It just so happened that Cai was interviewed, she gamely answered the question its in the past so move on!”

Sa puntong iyon, sumagot si Cai at pinasalamatan ang dalawang netizens na nagtanggol sa kanya.

“Awww I just love the good vibes girls! Showering you with hugs and kisses!”

Sabi pa ng netizen, hinahangaan niya si Cai sai pagiging inspirasyon sa mga plus-size women na kagaya niya.

Sa sumunod pang post ni Cai, makikita sa comment section ang pakikipagkulitan niya sa mga nagku-comment sa kanyang post.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN