Maine Mendoza on relationship status with Alden Richards: "Right now po, very good friends po kami."

Maine Mendoza on status of relationship with Alden Richards: "Kinikilala pa lang po namin ang isa’t isa. And right now po, very good friends po kami. Wala pong halong ka-showbiz-an yun. As in, good friends po kami ngayon."


Bagamat inaasam ng maraming miyembro ng AlDub Nation na maging totohanan ang nararamdaman nina Alden Richards at Maine Mendoza para sa isa't isa, iginiit ng magka-love team na matalik lamang silang magkaibigan ngayon.

Sa presscon ng My Bebe Love (#KiligPaMore) kagabi, December 9, nilinaw rin ni Alden na single siya ngayon.

Pinabulaanan din ng Kapuso actor-TV host ang kumakalat na balitang naging sila ni Julie Anne San Jose noon.

Wala rin daw siyang ibang nililigawan ngayon.

“Si Yaya lang,” pabiro niyang sabi patungkol sa karakter ni Maine.

Sa kaso naman ni Maine, apektado ba ang pesonal niyang buhay na tipong nadidiskaril ang diskarte ng ibang gustong manligaw sa kanya dahil sa tambalan nila ni Alden?

Sagot niya, “Wala naman po.

“Kasi honestly, ngayon po, wala naman pong pumuporma sa akin ngayon.”

Pero okey lang ba na ligawan siya ng iba o may mag-imbita sa kanyang mag-date?

Sagot ni Maine, “Kung papayag po si Alden, okay lang po.”

Sabi naman ni Alden, “Huwag muna, relax lang muna...”

Pero wala raw silang usapan na hindi sila puwedeng makipag-date sa iba.

Iginiit din ni Alden na hindi sa pagkakaroon ng relasyon ang focus niya ngayon.

“Hindi po, e, kasi yung focus ko nandito po sa AlDub and kay Maine.

“So, parang as of now, I’m not entertaining any feelings towards anyone.”

Dagdag ni Alden, “It’s a matter of choice po, e. And I choose to focus po on what’s happening now.”

RELATIONSHIP STATUS. Pero ano na nga ba ang estado ng relasyon nina Alden at Maine? Nahuhulog na ba ang loob nila sa isa’t isa?

Sabi ni Maine, “Sa amin na lang po yun.... Kinikilala pa lang po namin ang isa’t isa.

“And right now po, very good friends po kami.

“Wala pong halong ka-showbiz-an yun. As in, good friends po kami ngayon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napatili naman pareho sina Alden at Maine nang tanungin kung may posibilidad na mahulog nga sila sa isa’t isa.

Pero seryosong sabi ni Maine, “Wala naman pong imposible.

“Tingnan na lang po natin. Huwag na lang po nating pangunahan.

“Tingnan na lang po natin sa future kung ano pong mangyari.”

Gaano na ba kalalim ang relasyon nila ngayon?

Ayon kay Alden, “Malalim na po talaga, e. Ang tagal na po, e.

“Kumbaga, we began to know each other after ‘Tamang Panahon,’ isang buwan na ring nakalilipas yun.

“So, talagang masasabi ko lang po ay nag-e-enjoy po akong kasama siya [Maine].

“Nag-e-enjoy po akong katrabaho siya, sa mga ginagawa ko, and I’m very comfortable with her.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN