PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ramon Bautista on endorsing Mar Roxas: "Walang bayad."

Ramon hits back at bashers who judged him for supporting Mar in 2016 elections.
by Rachelle Siazon
Published Dec 10, 2015
Ramon Bautista to his bashers: "Porket magkaiba lang tayo ng sinusuportahan nagkabayaran na, mas bobo na ako, sayang na buong pagkatao ko? Nasa sa inyo na po kung iju judge nyo ako. If you think that way, feel free to unfollow me. I’m taking my stand.”

Pinabulaanan ni Ramon Bautista ang espekulasyong binayaran siya ng malaking halaga kapalit ng pag-endorso niya sa presidential aspirant at former Department of Interior and Local Government (DILG) secretary na si Mar Roxas.

Ito ay matapos umani ng matinding pambabatikos ang comedian/host/professor dahil sa kanyang pagsali sa music video na “Fast Forward.”

Base sa lyrics ng naturang kanta, malinaw na ikinakampanya nito ang adbokasiya ni Mar na ipagpatuloy ang “Daang Matuwid” sakaling mahalal siya bilang pangulo ng Pilipinas.

Read: Carla Abellana, Billy Crawford, Karylle, Ramon Bautista draw flak for endorsing Mar Roxas

Kaugnay nito, isa-isang sinagot ni Ramon ang Instagram followers niya na naghayag ng pagkadismaya sa kanyang napiling presidential candidate sa 2016 elections.

NO MONETARY FEE. Ayon kay Ramon, boluntaryo at walang bayad ang kanyang pagsuporta kay Mar.

Paglilinaw ng comedian/host/professor, “Mar Roxas ang iboboto at susuportahan ko, Sir.

“Ako mismo nag-volunteer para maipagpatuloy ang tuwid na daan.

“Walang bayad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Inofferan ako ng iba, hindi ko tinanggap.

“Puwede ka naman maging cynical sa desisyon ko.

“Utak at puso to.

“Pareho tayong may malasakit sa bayan.

“Kung sa tingin mo mas maganda ang option mo, hindi naman kita pipilitin.”

 

PLATFORM-BASED. Matagal umanong pinag-isipan ni Ramon kung sino sa presidential candidates ang kanyang susuportahan sa 2016 elections.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinag-aralan din niya kung ano ang plataporma ni Mar para sa bayan.

Paliwanag ni Ramon, “So, ang 'talent fee' ko talaga dito ay pagpapatuloy sa pag-unlad ng bayan, edukasyon at job opportunities, mabisang health care, pamahalaang mapagkakatiwalaan, proteksyon ng human rights at mas maayos na daloy ng trapiko.

“Alam ko para sa ‘yo hindi bagay sa akin magseryoso ng pinagsasabi pero dapat ang halalan hindi ginagawang joke time.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinagot din ni Ramon ang netizens na kumuwestiyon kung bakit napili niya si Mar, gayong pinagtawanan umano ng comedian ang kumalat na video ng dating DILG secretary na nakikipag-fist bump sa isang elementary student.

Kaugnay ito ng May 5 episode ng Kontrabando, isang online public affairs show ng TV5 kung saan isa sa hosts si Ramon.

Gayunman, iginiit ni Ramon na may mas mahahalagang bagay na dapat ikunsidera kaysa sa “sablay na fistbump” ni Mar.

“Dahil hindi siya cool at sablay ang pa fistbump-fistbump nya?

“Dahil laging palpak ang PR team niya?

“Basa basa tayo ng plataporma nung tao pag may time.

"Marroxas.com sir."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi pa ni Ramon kung bakit si Mar ang kanyang napiling presidential candidate, “Para sa continuity ng mga programa ng pamahalaan, para walang dictatorship at may malayang pag-iisip, experience at incorruptibility.”

 

RAMON TO BASHERS: "UNFOLLOW ME." May buwelta rin si Ramon para sa kanyang mga tagasuporta na hinusgahan umano ang pagkatao niya dahil lang hindi sang-ayon ang mga ito sa kanyang pinaniniwalaang kandidato.

Aniya, “Porket magkaiba lang tayo ng sinusuportahan nagkabayaran na, mas bobo na ako, sayang na buong pagkatao ko?

“Nasa sa inyo na po kung iju judge nyo ako.

“If you think that way, feel free to unfollow me.

“I’m taking my stand.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ramon Bautista to his bashers: "Porket magkaiba lang tayo ng sinusuportahan nagkabayaran na, mas bobo na ako, sayang na buong pagkatao ko? Nasa sa inyo na po kung iju judge nyo ako. If you think that way, feel free to unfollow me. I’m taking my stand.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results