Jericho Rosales says he'll court Jennylyn Mercado if he were single

Jericho Rosales on being an actor: “I mean, I give respect to my job, to the people I work with, and of course, I know my worth bilang contributor sa industry natin. And I know na I belong here.”


Hangga’t maaari, ayaw raw ma-pressure ni Jericho Rosales sa kung ano ang magiging estado ng kanyang career tuwing may pumapasok na bagong Kapamilya stars.

Paliwanag ng aktor, “Hindi kasi makakatulong yun sa akin, e.

"Hindi makakadagdag sa mga araw ko yun. I just focus sa kung saan ako magaling.

“Saka kung may opportunity na magkaroon ng bagong project, like yung mga ganitong romantic-comedy, kahit feeling ko naiilang ako, go lang because I know I still have so many things to learn.

"Open lang ako."

Ang tinutukoy ni Jericho ay ang bagong pelikula nila ni Jennylyn Mercado na Walang Forever, na kalahok sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sinabi rin ng aktor na malaking bagay ang magkaparehas nilang ugali ng kanyang leading lady na si Jennylyn sa maayos na takbo ng trabaho nila sa set.

“Enjoy lang kami. Relax lang kami.

"Wala kaming issues. Lagi kaming nagbibiruan.

"She’s very supportive din. We support each other.

"Basically, yung ugali namin ang dahilan kung bakit hindi kami nahirapan sa trabaho."

Inamin ni Jericho na nagkahiyaan sila ni Jennylyn sa umpisa.

Saad ng Kapamilya actor, “Nagkakahiyaan kami sa ibang bagay, especially noong mga first romantic scenes na namin.

"Medyo nagkukulitan kaming dalawa, especially you have to kiss.

“So, medyo kailangan naming tanggalin yun.

"But I think it’s ano, e... kailangan ninyong mag-hang out na dalawa.

"Open lang siya na wala siyang ibang iniisip... fun-loving. Siguro pareho kaming masayahan.

“Pag nasa set, we hang out. Pag wala kaming ginagawa, kuwentuhan kami. Biruan kami.

"And then nakatulong ng malaki yung group chat namin. Nag-iinisan kami.

"Malaking tulong for us."

Posible bang pormahan ni Jericho si Jennylyn kung wala siyang asawa ngayon?

Mabilis na sagot ng aktor, “I would. I mean, let’s say I was single...

"Hindi ako showbiz. Never akong magsu-showbiz.

"But I’m happily married.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But, you know, kunwari ibang tao ako, liligawan ko siya.

"I got to know her sa mabilis na panahon lang.

“Her qualities as a person, hindi ko masasabi na matagal-tagal ko na siyang kakilala at alam ko na yung mga flaws niya.

"But, I mean, kung merong lalaking manliligaw sa kanya, she’s worth it."


STUNNED BY JENNYLYN’S BEAUTY. Sinabi ni Jericho sa presscon proper na natulala siya nang tanggalin ni Jennylyn ang suot na shades sabay sabing, "Ang ganda, di ba?”

Kuwento ni Jericho, “Tinanggal niya kasi meron kaming screen test.

"Halimbawa ikaw, para lang makita yung chemistry ninyo.

"So, nagharap pa lang kaming ganun, nagsisigawan na sila sa monitor, yung director, yung staff.

“'O sige,’ sabi ng direktor, ‘tanggalin mo yung salamin niya at saka hawakan mo yung tattoo niya sa leeg.’

“Tinanggal ko yung salamin niya at yun agad ang hirit niya, ‘O, ganda ko, ‘no?’

"Natameme ako. Hindi ko alam yung sasabihin ko.

"Honestly, may mga moments na natatameme ako.

"Kasi siyempre, magandang babae, palabiro na medyo dikit sa buong set.

"Magbabarkada kami sa buong set, e.

“So, ako yung baguhan. Magkasama na silang lahat. Nanalo na sila ng award.

"Ako yung baguhan.

"So, siyempre alam mo yung nahihiya? Mahiyain ako, e."

Paano niya ikukumpara si Jennylyn sa ibang leading ladies niya?

Sagot ni Jericho, “I think yung natural characteristics niya. It’s her.

"Not her face, not her beauty, but her being na magaan siyang kasama."

Kapansin-pansin na relaxed na si Jericho. Hindi na siya gaya noong nakalipas na sampung taon na kabado sa kalalabasan ng kanyang career at seryoso kapag humarap sa press.

Paliwanag ng Kapamilya actor, “Hindi naman ako dedma [sa mga issues]. I still care sa mga actions ko at sa lahat.

"Like sa presscon, I’ve known you guys for so long.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang umabot na sa stage na talagang relax lang ako.

“I mean, I give respect to my job, to the people I work with, and of course, I know my worth bilang contributor sa industry natin.

"And I know na I belong here."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN