Killer of Cherry Pie Picaches's mom sentenced to reclusion perpetua

Hinatulan ng “guilty” ng korte si Michael Flores, ang suspek sa pagpatay sa ina ni Cherry Pie Picache na si Zenaida Sison, 75.


Sinentensiyahan ng reclusion perpetua—o mula 20 taon at isang araw hanggang 40 taong pagkakabilanggo—si Michael Flores, ang suspek sa brutal na pagpatay sa ina ng aktres na si Cherry Pie Picache.

Sa tweet ng GMA News reporter na si Ian Cruz, ibinahagi nito sa Twitter na guilty ang hatol ng Quezon City Regional Trial Court Branch 216 laban kay Flores.

Kinasuhan si Flores ng kasong robbery with homicide.

Natagpuang patay ang ina ng aktres na si Zenaida Sison, 75, sa sariling tahanan nito sa Quezon City noong September 19, 2014.

Read: Cherry Pie Picache's mom found dead in her Quezon City home

Samantala, sa Instagram account ni Cherry Pie, nag-post ng mensahe ang aktres nitong December 8.

Kasama sa status niya ang pag-aalay ng dasal sa pumatay sa kanyang ina at nagdasal para sa katotohanan, hustisya, at kapayapaan para sa kanilang lahat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN