Jennylyn Mercado still evasive about rumored reconciliation with Dennis Trillo

Jennylyn Mercado on love: "Ayoko munang mag-focus sa ganun. Kita niyo naman, araw-araw akong nagtatrabaho. At saka ayaw rin naman naming magmadali. Relax lang."


Hindi pa rin umaamin si Jennylyn Mercado sa tunay na estado ng love life niya at kung totoong nagkabalikan na sila ni Dennis Trillo.

Ang tanging sagot niya sa tanong tungkol sa love life niya: “Wala, e.”

Walang love life?

“Wala pa,” nakangiting sagot ng aktres nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikulang Walang Forever noong Martes, December 8.

May ka-M.U. (mutual understanding) ba si Jennylyn?

“Wala pa rin,” nakangiti pa rin niyang sabi.

Ano na si Dennis sa buhay niya ngayon?

“We’re just friends, charot!” tawa niya.

Dugtong ni Jennylyn, “Ayoko munang mag-focus sa ganun.

"Kita niyo naman, araw-araw akong nagtatrabaho.

“At saka ayaw rin naman naming magmadali. Relax lang.”

Ano ang reaksiyon ni Jennylyn na tila hindi pabor ang mga fans na magkabalikan sila ni Dennis?

“Okey lang. Kanya-kanyang opinyon naman ‘yan, so okey lang,” tugon niya.

WORKING WITH JERICHO ROSALES. Ang English Only, Please nina Jennylyn at Derek Ramsay ang surprise hit sa Metro Manila Film Festival noong 2014.

Ngayong 2015 ay may entry ulit ang Kapuso actress, ang Walang Forever, kung saan ang katambal naman niya ay ang Kapamilya actor na si Jericho Rosales.

Mas may pressure ba sa parte ni Jennylyn dahil box-office hit ang 2014 MMFF entry niya?

Sagot niya, “Sa ngayon, ayokong isipin yun.

"Kasi noong nakaraan, wala rin naman akong pressure na naiisip. Wala naman akong in-expect.

"Ngayon, wala rin.

“Okey lang, sila na ang bahala.

“Basta ako, ginawa ko lang ang trabaho ko. Pinaganda ko siya.

"Ibinigay ko lahat, ganun. Okey na yun."

Noong 2014, si Derek Ramsay ang naging kapareha ni Jennylyn sa unang pagkakataon. Sa MMFF 2015, si Jericho Rosales naman ang leading man ni Jennylyn for the first time.

Tila hawak ni Jennylyn ang titulong "Rom-Com Queen" sa ngayon. Masaya raw siya ngayong nalilinya siya sa romantic comedies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Mas masarap, e.

“Kasi nakakasawa na rin yung sabunutan, sampalan.

"Kaya mas masarap na medyo light lang, parang hindi umaarte."

Dahil mas nalilinya sa drama si Jericho, nagbiro si Jennylyn na “medyo corny” ang leading man niya.

Paano niya napapalabas ang pagiging comedian ni Jericho?

“Ano naman siya, hindi naman siya all the time, waley.

"Meron naman siyang mga timing na, ‘Uy, ha, in fairness sa ‘yo, medyo havey yun, ha.’

"Meron naman siyang natural na pagiging comedian."

Bait na bait si Jennylyn kay Jericho.

“Ang gaan. Magaan siyang katrabaho.

"At saka mabait. Sobrang bait talaga.

"Kahit sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki, pantay-pantay lang siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN