Janella Salvador peeved by clueless event host: “Medyo nakakabastos lang.”

Janella Salvador on event host who didn't know what her name is: “Na-off ako kasi siyempre, it’s a Christmas party lang naman, pero as a host, it’s your responsibility to know your endorser.”


Kinampihan ni Janella Salvador ang inang si Jenine Desiderio nang magpahayag ito ng disgusto sa isang event host dahil hindi nito alam ang pangalan ng young Kapamilya actress-singer nang mag-guest siya sa Christmas party ng iniendorso niyang produkto.

Matatandaang ipinaramdam ni Jenine ang kanyang sama ng loob laban sa event host sa Facebook post niya kamakailan.

Komento ni Janella tungkol sa FB post ng ina, “At first, siyempre ang masasabi ko lang naman diyan, it’s an endorsement kasi. Hindi ko na lang sasabihin kung anong brand.

"Pero it’s an endorsement kasi, so if you’re part of the company, you should know your endorser siyempre.

“Medyo nakakabastos lang.

“Na-off ako kasi siyempre, it’s a Christmas party lang naman, pero as a host, it’s your responsibility to know your endorser.”

Ano ang masasabi ni Janella na tila nag-react ang mommy niya para sa kanya?

“Mas nainis siya kesa sa akin!” ang natawang sabi ni Janella.

Nag-sorry ba ang host sa kanya?

“Hindi naman. Yung company nag-sorry, pero siya, hindi.

“Pero let’s forgive na. Small mistake lang naman,” nakangiting sabi ni Janella.


FIRST MOVIE LEAD ROLE. Samantala, magbibida na si Janella sa pelikula sa pamamagitan ng 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Haunted Mansion.

May pressure bang nararamdaman si Janella dahil nagsugal ang Regal Films sa kanya?

Saad niya, “Well, actually, siyempre there’s always gonna be pressure kapag Metro Manila Film Festival.

"Lalo na yung mga kalaban namin, mga strong love teams.

“Pero ako, I trust in our material kasi alam ko na magaling yung director namin [Jun Lana].

"Tapos, kami lang naman ang horror kaya sana marami ang manood.

“Nag-try ako ng best sa movie na ito, kaming lahat talaga.

"And our director, he’s very patient kaya sana magawa namin lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana ma-meet namin ang expectations.”

Naniniwala ba siyang malaking bentahe tuwing MMFF ang horror movies?

Sagot ng singer-actress, “Oo. Tapos this year, walang Shake, Rattle. Parang kami ang nag-replace.

"Mataas ang expectation kaya sana ma-meet namin."

Sa tingin ni Janella, kaya ba niyang magdala ng malaking pelikula sa MMFF?

Tugon niya, “Actually, honestly, it all came to me as a surprise.

"Like, hindi ko in-expect na sa 2015 ko makukuha ang lead role in a movie. Tapos, horror pa ang una kong film.

“Everything’s coming so fast.

“Hindi ko ma-explain, pero I’m just so happy with the things that are coming my way.

"I feel so very, very blessed."

Anong puwesto sa box-office ang gusto niyang makamit ng Haunted Mansion sa MMFF?

“Siyempre Top 1!” natawang sabi ni Janella.

Pero bawi niya, “Hindi, huwag naman. Kung ano ang ibigay ni God.”

Wala siyang wish o dasal na sana sila ang maging topgrosser?

Tugon ni Janella, “I’m just expecting na sana maging successful yung movie.

"Ayokong mag-expect ng masyadong mataas, pero alam ko, confident ako sa movie na ‘to. Yun lang.”


MARLO MORTEL. “Comfort zone” ang turing ni Janella sa ka-love team niyang si Marlo Mortel.

Ano ang ibig niyang sabihin dito?

“E, kasi, I’ve known him since I was 12. Bungi pa ako nun, kilala ko na siya.

"Kasi, Star Magic. E, sobrang nene ko pa nun. Magkakilala na kami noon pa.

"And then, biglang nagka-love team kami sa Be Careful… biglaan.

“Parang sobrang close kami,” sabi ni Janella.

On-cam love team lang ba ang pagiging comfort zone ni Marlo sa kanya?

“Hindi, kahit sa totoong buhay, as in, nasasabi ko sa kanya,” nakangiting sagot ni Janella.

Nanligaw ba sa kanya si Marlo?

Sabi ni Janella, “Bawal pa kasi akong magka-boyfriend. Basta very close kami.

"Alam din naman niya yun at saka close rin siya sa mom ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN