Marlo Mortel feels bad over breakup of love team with Janella Salvador

Marlo Mortel on impending breakup of love team with Janella Salvador: "Ang dami ring fans ang na-heartbroken kasi marami naman kaming following. Nai-push pa sana, pero di ko alam kung bakit [hindi.] Ganun talaga ang buhay—you never know what 's gonna happen next."


Nalulungkot si Marlo Mortel na pinakahuling pelikula na nila ni Janella Salvador bilang love team ang 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Haunted Mansion.

Ipapa-partner na kasi ang singer-actress sa bagong Kapamilya na si Elmo Magalona sa susunod nitong teleserye.

Saad ni Marlo, ??Sino naman ang hindi malulungkot, di ba?

"Heto na sana yung opportunity na dapat ay mag-step up ang love team namin. Tapos heto pa ang nangyari.

"Wala naman akong magagawa kundi tanggapin na lang, di ba?

"And galingan ko na lang ang sarili ko."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marlo pagkatapos ng grand presscon ng Haunted Mansion sa Valencia Events Place, San Juan City, noong December 9.

Ayon kay Marlo, yakap na yakap na sana niya ang love team nila ni Janella, pero management decision ito kaya wala silang puwedeng gawin kundi sumunod.

Dagdag niya, "Madami ring fans ang na-heartbroken kasi marami naman kaming following [ni Janella].

"Nai-push pa sana, pero di ko alam kung bakit [hindi].

"Ganun talaga ang buhay??you never know what's gonna happen next."

Bago nangyari ang pagbabagong ito, may feeler na bang nakarating sa kanya tungkol sa pagtatambal kina Janella at Elmo?

Sagot ni Marlo, "Wala naman.

"Pero yung handler ko, parang may sinasabi siyang, 'Hoy, maghanda-handa ka. Baka in the future, hindi talaga kayo [ni Janella] ang magka-love team.'"

Hindi kaya mas maganda ito para sa solo niyang career?

Sagot ni Marlo, "Well, isa ring magandang challenge ito para sa akin na tumayo on my own.

"And I'm doing a lot on my own, like hosting nga sa KrisTV at Umagang Kay Ganda.

"So, I think I??m going to have something naman, going solo."

EXCITED FOR MMFF MOVIE. Mas gusto raw ni Marlo na pag-usapan ang pelikula nilang Haunted Mansion.

Ano ang pakiramdam na kahilera nila ang malalaki at mabibigat na mga artista't pelikula na magbubukas sa araw ng Pasko, December 25?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, masaya!" bulalas niya.

"Kasi ako, I'm very excited kasi may pangarap naman ang bawat artista na makasama ang pelikula niya sa pinakamalaking event sa movie industry.

"Ako, bata pa ako, pangarap ko na yung ganito.

"Kaya, ayun nga, sobrang saya, at excited talaga ako."

Mataas ang expectations sa movie nila dahil sa malaking tagumpay ng Shake, Rattle & Roll series ng Regal Films na laging panlaban ni Mother Lily Monteverde sa MMFF.

At ngayon nga ay ipapalit ang bagong horror movie nila Marlo at Janella bilang pambato ng Regal ngayong taon.

Ano ang pinaka-challenge sa kanila ngayon?

Tugon ni Marlo, "Ang pinaka-challenge sa amin ay yung ang dami naming kalaban na malalaking pelikula, at talagang mga sikat na artista.

"Nandiyan sina Kris Aquino, Vic Sotto, at Ms. Ai Ai [delas Alas], si Vice [Ganda], Coco [Martin], at ang AlDub [Alden Richards at Maine Mendoza], JaDine [James Reid at Nadine Lustre].

"So, sobrang pressure yun sa amin.

"Pero feel ko naman, lalaban kami kasi maganda ang quality ng movie namin.

"Sinigurado ni Direk Jun [Lana] na talagang mararamdaman ng audience yung takot sa mga eksenang nakakatakot talaga.

"Para sa akin, pang-international siya, na hindi lang isang horror movie na ginawa para may maipalabas sa filmfest."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN