Robin Padilla sees strong potential in Coco Martin as action star

Robin Padilla believes in Coco Martin's potential as an action star. He says, “Baka siya na ang hinihintay natin na magbibigay ng tinatawag natin na second wind sa action. Wag na natin siyang istorbohin, hayaan nating mamayagpag yung bata. Baka siya na ang sagot sa dasal ng mga stuntmen.”


Noong nakaraang Miyerkules, December 9 ay pumirma ng two-year contract si Robin Padilla pagkatapos ng ilang taon din niyang pagkawala sa Kapamilya network.

Huling napanood sa sitcom na Toda Max bago sumakabilang bakod sa TV5, si Robin ay isa sa mga artistang umalis pero muling bumalik sa bakuran ng ABS-CBN.

Ayon nga sa aktor sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News, masaya siya na parte siya ngayon ng mga bagong proyekto na ihahain ng ABS-CBN para sa taong 2016.

Sabi niya, “Di ko naman masasabi na prodigal son ako, kasi nagpapaalam naman ako, pero talagang siyempre nagpapapasalamat ako sa ABS na kasama nila ako sa mga plano nila sa 2016.

“Tulad ng dati, may serye, may sitcom.

“Ang ABS, katulad nga ng lagi kong sinasabi, progressive ang kanyang mga projects.

“Taun-taon, iba-iba ang nakikita ninyo, ang napapanood ninyo. Di nahihinto sa isang klase lang ng putahe.

“At ako ay nagpapasalamat na sa 2016, kasama ako dun sa bagong putahe.”

WISHES TO BE PART OF A NOONTIME SHOW. Napanood noon si Robin na pumalit pansamantala kay Willie Revillame sa programang Wowowee sa ABS-CBN.

Dahil dito ay hinihiling niya na sana nga ay totoo ang balitang posible siyang muling mapanood sa isang noontime show.

Dagdag pa niya, “Ako kung ano ang ibibigay ng ABS, kailangan kong gawin.

“Nasubukan ko na 'yan, e. Enjoy 'yan, saka ang noontime kasi napakalapit sa tao.

“Isang bagay 'yan na karanasan ko nung ako ay nag-noontime.

“Sa buong daigdig na may TFC [The Filipino Channel], ang lapit mo sa tao. 'Di ko ipagpapalit 'yan, kung totoo 'yan, oo ako.”

MARIEL RODRIGUEZ. Nauna nang bumalik sa Kapamilya network ang asawa ni Robin na si Mariel Rodriguez, at napapanood ito ngayon as guest co-host sa It's Showtime.

Dahil dito ay labis ang pasasalamat ni Robin sa Kapamilya network dahil pumayag lang pala ang asawa na ipatanggal nito sa sinapupunan ang nalaglag nilang anak nang tanggapin lang nito ang mag-host muli sa PBB (Pinoy Big Brother).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagmamalaki niya sa kanyang asawa, “Yun, kahit pagbali-bagligtarin mo, ABS yun.

“Ang naganap na kalungkutan nga niya, ang dami kong ginawa para maka-recover siya, 'di naman ako naano pero nung ABS na, PBB na, talagang isang ganun lang, pumayag siyang alisin yung patay na dugo sa sinapupunan niya.

“'Di niya pinatatanggal yun, ilang buwang 'di niya pinatanggal dahil naniniwala siya na baka mabuhay pa.

“Nung kinausap siya ng doktora niya, ayaw niya pa rin tanggalin pero nung nag-PBB siya, naramdaman niya uli yung pagmamahal sa kanya ng mga kaibigan niya.

“Kinabukasan pinatanggal niya na. Salamat sa ABS, maraming salamat.”

OPEN TO WORKING WITH MARIEL. Marami rin ang nag-aabang kung isa rin daw kaya sa gagawing proyekto ni Robin sa ABS ay ang pagsasama nila muli ni Mariel sa isang show.

Saad niya, “Walang problema sa akin kung siya ay makakasama ko.

“Masaya kami, kaming dalawa, pero mas magiging masaya ako kung makakasama niya muna sila Toni [Gonzaga], Bianca [Gonzalez], at sana makagawa din siya kasama ang mga dati niyang leading man.”

Siniguro rin ni Robin na hindi issue sa kanya kung ipareha muli sa mga dating naging leading men ang asawa.

Ang kundisyon lang ni Robin ay walang kissing scene sa makakapareha ni Mariel.

Hirit pa niya, “Okey lang yun, basta wala lang kissing scene.

“Ako nga walang kissing scene. Matanda na ako para dun. Napag-usapan namin ng ABS, family-oriented.

“Gusto ko talaga yung values ng mga Filipino, yun ang napagkasunduan namin ng ABS.

“Wala namang problema kung smack-smack lang. Pero para ako pa ang mag-suggest, 'di mangyayari yun.”

LOOKING FORWARD TO DADDY ROLES. Ayon kay Robin, kung may gusto man siyang gawin, ito ay ang gumanap bilang isang ama sa isang serye o pelikula.

Gusto rin ni Robin na makasama sa isang project ang pamangking si Daniel at ang kapatid na si Rommel Padilla na napapanood ngayon sa seryeng Ningning.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-amin niya, “Gusto ko talaga father role. Yun ang pinakikiusap ko sa creative [team].

“Sana tatay ako ni artistang ganito... babae man o lalake. Drama ang gusto ko, light drama.

“Daniel at Omeng [palayaw ng kapatid niyang si Rommel]? Okey sa akin lahat yun. Sana.”

WISH LIST FOR LEADING LADIES. Bukas din si Robin na makatrabaho ang mga dating naugnay sa buhay niya at naging leading women, kagaya nina Sharon Cuneta at Kris Aquino.

Sa hanay naman ng leading ladies ngayon sa ABS-CBN, isa sa gusto niyang makasama ay si Angel Locsin na nakasama niya dati sa sitcom na Toda Max.

Ani Robin, “Okey ako, 'wag lang mabigat. Sana yung mga pelikula na may anak na kami, light drama.

“Si Anne [Curtis], mayroon kaming pelikula sa Viva. Mayroon kaming gagawin sa Viva.

“Ang gusto kong makasama din sa drama ay si Angel. Nagkasama kami dati sa isang serye sa kabilang istasyon, action.

“Kahit si KC [Concepcion], gusto kong maging anak si KC. Bata naman yun, anak-anak ko yun. Si Bea [Alonzo] sa pelikula, nagkasama na kami dati sa serye.”

PASSING THE ACTION TORCH TO COCO. Nang tanungin naman kung bukas din ba siyang gumawa uli ng isang serye na aksyon ang tema, para kay Robin ay mas maganda na ibigay na lang ito kay Coco Martin na namamayagpag ngayon sa seryeng Ang Probinsyano.

“Siguro ngayon, mas maganda kung bigay na muna natin kay Coco yung wind.

“Baka siya na ang hinihintay natin na magbibigay ng tinatawag natin na second wind sa action.”

“'Wag na natin siyang istorbohin, hayaan nating mamayagpag yung bata. Baka siya na ang sagot sa dasal ng mga stuntmen,” pahayag pa niya.

HISTORICAL BIOFLICKS. Tinanong din si Robin kung may katotohanan ba na sa 2016 ay susunod sa kanya ang anak na si Kylie sa ABS-CBN.

“Yung batang yun kasi matagal na rin yun na gusto kong sumama sa akin. Nasa kanya yun,” paglinaw niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago pa man pinalabas ang Heneral Luna ay una nang napanood si Robin sa pelikulang Bonifacio.

At dahil nga kumita nang husto ang Heneral Luna sa takilya, hiniling ng aktor na sana ay magtuluy-tuloy ang paggawa ng ganitong tema ng mga pelikulang Pinoy.

Dasal niya, “Sana masundan.

“Ang pakiusap ko nga kasi, iisang grupo lang ‘yan, ang akala ko nga ang Gen. Del Pilar ay si Daniel, pero napunta naman sa Igorot, so walang problema.

“Nakasuporta ako, pero sana sunud-sunod. Sana gumawa din ang ABS, iba kasi ang gawa din ng ABS. Sana serye, lahat ng mabibigat na artista dito, Philippine revolution.”

MOST ROMANTIC YEAR. Sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan nila ng asawang si Mariel ngayong 2015, itinuturing din ni Robin na ito ang pinakaromantikong taon para sa kanilang pagsasama.

Pagpapatuloy niya, “Pinaka-romantic namin ito na taon, bagama’t may kalungkutan.

“Pero itong buong taon na ito magkasama kami. Walang iwanan, kaya masasabi ko na naging mabuti rin akong asawa sa wakas.”

Nang kumustahin naman namin kung kailan nila balak muling magkaanak ni Mariel, isang taon pa pala ang kailangang hintayin bago magbuntis uli ang asawa.

“Bawal pa, one year ang sabi ng doktora niya,” aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN