Elyson de Dios admits courting StarStruck co-finalist Ayra Mariano

Elyson de Dios claims he has an edge over close contender Migo Adecer in terms of acting talent.


Naging tapat si Elyson de Dios nang tanungin kung may girlfriend siya pagkatapos niyang amining nagkaroon na siya ng tatlong karelasyon.

"May hinihintay po ako. I'm waiting for someone," pag-amin niya.

Ang kasamahan niya ba sa StarStruck na si Ayra Mariano ang hinihintay niya?

“Opo, kahit na hindi ko siya ka-love team,” pag-amin ni Elyson.

Ano ang nagustuhan niya kay Ayra, na kabilang din sa Final Four ng StarStruck?

Ani Elyson, “Gusto ko siya kasi mabait po siya. And for me po, she’s the most beautiful.”

Baka naman girlfriend na niya si Ayra?

“Hindi pa po, nanliligaw na siguro. Yung 'yes' lang niya ang hinihintay ko,” pahabol ni Elyson.

FINAL FOUR. Ang 16-year-old Cebuano na si Elyson ang isa sa napabilang sa StarStruck Ultimate Final Four, na inanunsiyo noong Biyernes ng gabi, December 11.

Masayang-masaya si Elyson na umabot siya hanggang top four makalipas ang maraming pagsubok na ibinigay sa kanilang lahat na kapwa niya contestants.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nang tinawag na yung pangalan ko, sobrang saya-saya ko po.

“Tapos, naalala ko na yung mga ate ko. Nasa Cebu pa po sila.”

Hindi kaya “inaalagaan” pa rin si Elyson ng dati niyang manager na kailan lang ay pinaslang sa sarili nitong tahanan?

“Nagga-guide? Naniniwala rin, kasi gusto niyang manalo ko,” sabi niya.

Inamin ni Elyson na hindi niya inaasahang isa siya sa matatawag sa stage bilang Ultimate Final Four ng StarStruck Season 6.

“Hindi ko po talaga ini-expect kasi, feeling ko rin po, kulang ako ng experience,” sabi niya.


STRONGEST CONTENDER. Sila ni Migo Adecer ang maglalaban para sa Ultimate Male Survivor title sa StarStruck.

Kaya ba niyang talunin si Migo at ano ang mayroon siya para siya ang mapiling ultimate survivor?

Sagot ni Elyson, “Sa tingin ko po, yung hard work ko lang, yung dedication.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa tingin ko, siguro mas lamang si Migo sa akin.

“Guwapo rin naman ako, pero siguro sa experience sa showbiz, mas siya.

“Pero tingin ko po, siguro mas karapat-dapat akong maging male survivor dahil unang-una, nag-i-improve po ako.

“Dati, wala talaga akong talents. Hindi ako marunong sumayaw.

“Ngayon, marunong na po.”

Sa pag-arte, sino ang palaging lamang sa ranking sa kanilang dalawa ni Migo?

“Nag-ranking po kami. Si Direk Joyce Bernal ang ano namin... ako ang number one po,” sabi ni Elyson.

Bakit siya karapat-dapat tanghaling StarStruck Ultimate Male Survivor?

Sabi ni Elyson, “Dapat po akong piliin kasi I’m trying my best to win and improve myself po na magsalita ng Tagalog, pag-acting.

“Nag-i-improve po talaga ako.”


SOLID FAN BASE. Malakas ang dating ni Elyson sa mga kababaihan at maging sa mga bading. Nagugustuhan yata nila ang pagiging “playful” niya.

Ano ang masasabi niya rito?

“Kahit sa Cebu po, marami rin po. Kasi, guwapo raw ako?” natatawang tanong niya.

Dagdag pa niya, “Kasi po, pupunta ako sa mall, simple lang ang damit ko. May lalapit din sa akin na magpa-picture.”

May natatanggap ba siyang indecent proposals?

“Sa Facebook po, may nagtsa-chat sa akin. Tapos, ibinigay ko sa mama ko.

“Sabi niya, 'I-delete mo ‘yan. I-block mo ‘yan.'

"Dun din, sa varsity namin, sa basketball.

“Marami rin nag-aano sa akin, sa kabilang team na fans. Nagtsi-cheer din.”

Patunay ito na may fans na si Elyson sa Cebu kahit hindi pa siya artista.


MOST MEMORABLE CHRISTMAS. Para kay Elyson, kakaiba ang Paskong ito sa lahat ng naging pagdiriwang niya.

Lahad niya, “Nakapasok po ako sa StarStruck, una na yun.

“Tapos malayo ako sa pamilya ko, mga kaibigan. Tapos, nag-stop ako ng school.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN