StarStruck finalist Ayra Mariano says she'll say 'yes' to suitor Elyson de Dios "sa tamang panahon"

StarStruck Ultimate Final Four finalist Ayra Mariano says she will never resort to cosmetic surgery to correct physical shortcomings: “Confident naman po ako kung anuman ang meron ako. At saka, mas marami rin naman pong taong nagmamahal sa akin na tinanggap po ako.”


Ipinagtapat ng kapwa StarStruck Ultimate Final Four ni Ayra Mariano na si Elyson de Dios na nililigawan niya ang dalaga.

Ipagkakaloob ba ni Ayra ang "yes" na hinihintay ni Elyson?

Natatawang sagot ni Ayra, “Sa tamang panahon po.

“Pero close po kami ni Elyson.

"Talagang nakita ko po, kasi simula po noong magka-love team kami, nag-try rin po akong tulungan siya.

“Kasi nga po, parang may language barrier po siya.

“So, sinubukan ko po siyang tulungan.

“Nag-uusap kami palagi at kapag may mga script siya, nagtutulungan po kami.

"Kaya na-feel ko na sa pagtutulungan namin, mas naging close at comfortable kami sa isa’t isa."

Kailan niya sasagutin ang panliligaw ni Elyson?

“A, yun po, maghintay po siya kung kaya niyang maghintay.

“Kasi ako po... ewan ko. Parang binigyan ko na rin naman siya ng chance na may pag-asa naman po.

“Siguro po, mga three years. Hindi ko po alam,” nakangiting sabi ni Ayra.

Paano kung makahanap si Elyson ng iba?

Tugon ni Ayra, “Yun nga po. Yun ang sinasabi ko sa kanya.

“Alam ko na bata pa siya, bata pa rin ako [16 years old si Elyson at 17 pa lang si Ayra].

"[Sinabi ko sa kanya] 'Hindi ko masabi kung makahanap ka ng iba.'

“Lalo na rito sa showbiz, maraming fabulous girls

“Alam ko na hindi naman ako kagandahan. Mas maraming babaeng maganda sa akin, talented and better than me.

"[Sabi ko], 'Pero alam ko na makakahanap ka ng iba'.

“Palagi kong sinasabi sa kanya, 'Face the reality. Ito talaga ang buhay.'

"Hindi mo masasabi, siyempre siya, lalo na siya, bata pa siya.”


FINAL FOUR. Hindi naman akalain ni Ayra na makakasama siya sa Ultimate Final Four ng StarStruck, kahit itinuturing siyang mahigpit na kalaban ng kapwa niya Final 14 hopefuls noon pa man.

Saad ni Ayra sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng StarStruck Live sa GMA-7 noong December 11, “Hindi pa rin po talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayoko po kasing maging kampante. Kasi everything is a test.

“Malay niyo po, may magbago. Baka one second, may magbago.

"Pero siyempre po, thank you, Lord.”

Ano ang pakiramdam niya nang tinawag ang kanyang pangalan?

Pagbabalik-tanaw ni Ayra, “Ang alam ko, napapikit ako nun kasi, parang pinakinggan ko lang mabuti kung ano ba talaga ang narinig ko.

“Noong narinig ko na talaga na Ayra Mariano nga, na sure nga ako, sobrang saya.

“Hindi ko ma-explain. Naghalu-halo na ang emotion ko na nandun ang saya, ang kaba.

“Nandun yung lungkot for other hopefuls na nakasama ko.

"Siyempre po, hindi ko talaga in-expect. Naghalu-halo ang emotions ko.

"But above all, sobrang happy ko po.”

Ito na ba ang simula ng showbiz career niya?

“Siguro po, ito na talaga ang simula. Kung ito po talaga ang pinagkakaloob ni Lord,” saad ni Ayra.


MAY THE BEST LADY WIN. Si Klea Pineda ang makakalaban ni Ayra bilang StarStruck Ultimate Female Survivor ngayong grand finals.

Magiging mahigpit bang kalaban si Klea?

Sagot ni Ayra, “Kasi po si Klea, magaling din po siya, very talented po.

"Pero nahihirapan po ako kasi close po kami ni Klea.

“And since nag-start ang StarStruck, yung singing workshop namin, dun ko siya naging kaibigan.

“So, kung siya man po ang manalo, masaya po ako para sa kanya.

"Kung ako po, masaya rin po.

“Pero kasi, siyempre dahil kaibigan ko po siya, yun nga po, give way kung yun po talaga ang will ni Lord.”


ULTIMATE MALE SURVIVOR BET. Hindi na rin nakapagtatakang si Elyson ang gustong manalo ni Ayra bilang Ultimate Male Survivor sa StarStruck.

Sabi niya, “Naniniwala po ako kay Elyson.

"Kasi best performer rin po siya. Kaya alam kong pinaghihirapan niya ang mga bagay na ginagawa niya.”

Mas deserving bang manalo si Elyson kaysa kay Migo Adecer?

“Pareho naman silang magaling, pero feeling ko talaga, kung personal choice ko lang po naman,” paliwanag ni Ayra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


DEALING WITH BASHERS. Natawa naman si Ayra nang kumustahin namin kung may bashers na siya kasabay ng pagkakaroon ng sariling hukbo ng mga tagahanga.

“Meron po. Yun po, sinasabi nila na hindi raw po ako deserving.

"Dapat si ganito, si ganyan.

“Pero hindi ko naman po sinasagot.”

Ano ang pinakamatinding pangba-bash sa kanya?

Natatawang banggit ni Ayra, “Ano po, kasi na-hurt ako. Parang don’t say the obvious, ang laki raw ng panga ko.

“Pero wala naman po akong magagawa kasi yun naman po ang opinyon nila.”

Uso sa mga artista na may ipinapagawa sa mukha at katawan. Hindi kaya isang araw, makita na lang si Ayra na lumiit na ang panga?

Mabilis niyang tanggi, “Ay, hindi ko po gagawin yun.

“Confident naman po ako kung anuman ang meron ako.

“At saka, mas marami rin naman pong taong nagmamahal sa akin na tinanggap po ako.

“Kaya kung papayat man ‘to, hindi ko dadaanin sa surgery. Paghihirapan ko siya.

“Kung lumiit man siya, sa exercise. Kung hindi man siya lumiit, e, wala akong magagawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN