Maine Mendoza apologizes to Julie Anne San Jose for Twitter misunderstanding

All is well between Maine Mendoza and Julie Anne San Jose after the issue that came out last week involving Sunday Pinasaya director Rich Ilustre.


Kung napuno ng kasiyahan at kilig ang stage ng Sunday Pinasaya ngayong araw, December 13, lingid sa kaalaman ng marami ay mayroon palang naganap na iyakan sa backstage.

Ito ay dahil sa paghaharap nina Julie Anne San Jose at Maine Mendoza sa dressing room.

Si Julie Anne ay mainstay sa naturang comedy-musical program ng GMA Network, habang si Maine naman ay special guest ngayong araw.

Kabilang din sa Sunday Pinasaya ang ka-loveteam ni Maine at kalahati ng AlDub na si Alden Richards.

Ayon sa tweet ng isa pa sa mga mainstay ng programa na si Gladys Guevarra, nilapitan at niyakap daw ni Maine si Julie Anne.

Humingi rin daw ng paumanhin si Maine sa singer-actress.

Nakita rin diumano ni Gladys na umiyak si Julie Anne.

Pero "clueless" daw si Gladys kung ano dahilan ng nasaksihan niyang eksena.

Para sa mga hindi nakakaalam, hindi sinasadyang nagkaroon ng isyu sa pagitan ni Julie Anne at nina Maine at Alden dahil sa hindi pagkakaunawaan na nagsimula sa Twitter noong December 7, Lunes.

Isang Twitter follower ng direktor ng Sunday Pinasaya na si Rich Ilustre ang nagtanong kung ang girlfriend ba ni Alden sa tunay na buhay ay si Julie Anne.

Sinagot ito ng direktor ng "yup."

Ngunit sa pakikipag-usap ng entertainment columnist na si Allan Diones kay Direk Rich, sa pamamagitan ng text, ipinaliwanag nitong inaantok pa raw siya nang mabasa ang nasabing tweet ng fan.

Ang basa raw kasi niya noong una ay "friend" sa halip na "girlfriend" kaya sumagot siya ng "yup."

Nang ma-realize niyang mali ang kanyang pagkakabasa at ang naging sagot ay agad daw niya itong binura.

Pero kumalat na raw ito agad sa social media at umusok na ang galit ng AlDub Nation.

Dahil sa gulong naidulot ng kanyang pagkakamli ay humingi ng paumanhin si Direk Rich kina Maine, Alden, at pati na sa AlDub Nation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Sunday Pinasaya director Rich Ilustre apologizes to Maine Mendoza and Alden Richards for Twitter misunderstanding

Nadawit din sa galit ng AlDub fans si Julie Anne, na inulan ng batikos sa social media kahit wala naman siyang direktang kinalaman sa isyu.

Kaya sa pagkikita nina Maine at Julie Anne kanina sa studio ng Sunday Pinasaya, si Maine na mismo ang lumapit kay Julie Anne upang humingi ng dispensa kung anuman ang mga masasakit na salitang nakarating sa kanya.

Hindi naman nabanggit ni Gladys sa kanyang tweet kung naroon din si Alden nang magyakapan sina Maine at Julie Anne.

Wala rin daw kumuha ng litrato ng naganap na eksena bilang respeto na rin sa dalawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN