Phytos Ramirez denies allegations that he is his manager's favorite ward

Phytos Ramirez explains why people think he's the favorite talent of his manager, Becky Aguila: "Kasi siguro po kasi ano, parehas kami ng gusto. Parehas po kami ng gustong puntahan sa career. Parehas po naming gustong maging successful and yung takbo po ng utak namin parehas so feeling ko dun kami nagkaka-jive."


Wala pang bagong soap opera sa GMA-7 si Phytos Ramirez. Pero noong nakausap namin siya, nakatakda siyang mag-look test para sa Encantadia ng Kapuso Network.

“Sa Sabado po,” saad ni Phytos tungkol sa araw ng look test niya para sa remake ng sikat na GMA telefantaserye.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Phytos sa presscon ng Haunted Mansion noong Miyerkules, December 9, sa Valencia Events Place.

Naging bahagi na si Phytos ng Encantadia bilang batang Mark Herras [na gumanap bilang si Anthony] noong 2005.

Excited daw si Phytos sa look test.

Pag-amin niya, “Oo naman po. Kasi sabi ko nga sa handler ko, dati akong young Mark Herras, so baka magawan ng paraan. Baka puwede akong mapasok diyan.

“It’s been a while din yung huli kong labas sa GMA, sa Let The Love Begin.

“Tapos ano po, e, parang pinagpahinga nila ako dahil nagle-Let The Love Begin ako. Nag-Haunted Mansion ako na movie, so every day ako nagsu-shoot.

“So ayun, siyempre walang time mag-workout, medyo lumaki ako.”

Ang Haunted Mansion, official entry ng Regal Entertainment Inc. sa Metro Manila Manila Film Festival (MMFF), ang unang pagsabak ni Phytos sa taunang event na ito na magsisimula na sa December 25.

Dagdag pa niya, “Sobrang nae-excite po ako, kasi parang hindi pa din po nagsi-sink in sa akin na kasama ako sa MMFF.

“Kasama ako sa mga float. Tapos first time ko rin pong mag-horror.

“Nung una, sinabi ko din kay Direk Jun Lana, kasi nakasama ko po siya sa Seasons Of Love...

“Sabi ko, ‘Direk, hindi na po ako marunong mag-movie kasi iba yung arte sa TV, sa theater at sa movie.

“'Paano ito, Direk? Tsaka first horror movie ko ito. So hindi ko alam kung paano ang galawan.’

“So ayun, tinulungan naman niya ako.”

FULL-BLAST WORKOUTS. Sampung taong nakakontrata si Phytos sa GMA, at nakakadalawang taon na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya umaasa si Phytos na mapasama sa Encantadia.

“Sana po, sana! Kaya ngayon po ang ginagawa ko, itong past two weeks, puro ako workout.

“Kasi ang laki po ng inilaki ko since wala pong workout. Tapos every day nagte-taping o shooting.”

Kaya puspusan raw siya ngayon sa pagpapaganda ng katawan.

Hindi pa nakakarampa nang hubad si Phytos sa Cosmo Bash, Pwede ba ito matuloy next year?

Sagot ni Phytos, “Sana. Depende sa kanila.

“Iyon po talaga yung gustung-gusto ko.

“Sinabi ko naman din po kay Tita Becky [Aguila, manager niya] tsaka sa GMA management na gusto ko palabasin nila ako as a sexy hunk na dramatic actor.

“Iyon naman po yung napagkasunduan namin, so nire-ready lang po nila ako na preparation para pag nilabas nila ako na ganun, handa ko sa lahat ng comments ng mga tao.

“Ini-internalize ko rin ang sarili ko na tuwing lalabas ako, sexy ako. Kung ano yung mga suot ko, iba na. Hindi na pambagets.”

Araw-araw daw ang workout niya ngayon.

Ani Phytos, “Tumatakbo po ako sa morning and then crossfit po ako ng lunchtime then sa gabi nagba-bike po ako.”

NO JEALOUSY AMONG FRIENDS. Laging napagkakamalang iisa sina Phytos at ang kapwa young Kapuso male stars na sina Juancho Trivino at Hiro Peralta dahil magkakamukha sila.

Wala raw kaso iyon kay Phytos dahil pareho niyang kaibigan ang dalawa.

Masaya rin daw siya na nagiging popular ang pag-i-spoof ni Juancho kay Alden Richards sa Bubble Gang.

Saad ni Phytos, “I’m happy for Juancho kasi meron siyang Bubble Gang. Meron siyang Little Nanay, so happy ako para sa career niya.”

Hindi raw siya naiinggit kay Juancho.

Paglinaw ni Phytos, “Iba naman po yung career path ko, e.

“Iyon nga. Ako, gusto ko, sexy hunk na dramatic actor.

“So ang makakasama ko po sa ganun, parang si Derrick Monasterio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Derrick is ready na. So ako naman, pinu-push ko yung sarili ko na mahabol ko si Derrick.”

ACTING COURSE. Kahit gusto niyang makilala bilang sexy hunk na dramatic actor, hindi raw kaya ni Phytos ang butt exposure sa indie movie.

Patuloy niya, “Hindi ko pa alam kung aabot ako sa ganun pero pagka… sinabi ko naman kay Tita Becky na bago ako mag-indie, gusto ko munang mag-aral sa U.S. ng acting, kay Eric Morris.

Balak ni Phytos na kumuha ng six-month special course on acting.

Kailan niya balak gawin ito?

“Hindi ko pa alam, e. Depende pa sa takbo ng career ko,” tugon ni Phytos.

Kaya naman raw niyang mawala sa Pilipinas ng six months.

Pagklaro niya, “Pero iyon nga po, depende sa career.

“Pag tuluy-tuloy, hindi ako aalis.

“Pero pagka wala namang ginagawa, then, why not?”

READY TO BARE. Payag raw si Phytos na rumampa sa underwear show tulad ng sa Bench na naka-briefs lamang.

Pero dapat sa tamang panahon raw ito, at kung importante ang butt exposure sa eksena o sa role.

Gumanap na rin daw si Phytos na gay sa Wattpad Presents ng TV5.

“Kinausap nga po ako ni Ms. Wilma Galvante [ng TV5], and sobrang natuwa siya.

“Sabi nga niya sa akin, 'Mag-lose ka ng [weight]. Napanood ko yung acting mo. Sayang naman kung pababayaan mo yung sarili mo. Pag nag-lose ka, lagi kitang ilalagay sa Wattpad,’” sambit ni Phytos.

Wala raw kaso kay Phytos kung lumabas siya sa shows ng ibang networks kahit artist siya ng GMA.

“Pumapayag po yung GMA, basta wala pong regular [show].”

Papayag din si Phytos na gumanap ng gay role kagaya noong napanood dalawang taon na ang nakalipas sa My Husband’s Lover.

“Gusto ko yung mga ganung challenging na role.”

Paano kung may love scene siya sa kapwa niya lalaking artista?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Phytos, “If iyon po talaga ang gusto ng director or ng story and ganun na sobrang nagre-rate yung show, why not?

“Ano naman yun, e. You’re just giving your 100 percent sa acting mo.

“And parang magiging history ko yun. ‘Ah, nag-gay role ako. I’m proud na nag-gay role ako and ginawa ko yung ganitong scene for my character.’

“And siyempre, kakausapin ko yung co-star ko. ‘O, parehas naman tayong straight. Wala namang bading sa atin. Why not do it for the show?’”

IDEAL LEADING LADY. Si Kris Bernal ang napipisil ni Phytos na maging leading lady sakaling bigyan siya ng launching show.

“Sobrang dami po kasing bago ngayon. Pero before, gusto ko po talagang maka-partner si Kris. Ever since talaga.

“But right now kung sino po yung ibigay nila [GMA management]. Pero siyempre yung fresh, yung parang kami pa lang ang mag-i-start.

“Kasi sa Let the Love Begin, nag-GabRu [Gabbi Garcia and Ruru Madrid] ako. Nagkaroon ako ng mga haters, kasi nga…”

Malakas kasi ang tandem nina Gabbi at Ruru, kaya may mga nagalit kay Phytos nang gawin siyang ka-love triangle ng dalawa.

NOT HIS MANAGER'S FAVORITE WARD. Kahit alaga rin ni Becky sina Jennylyn Mercado, Valerie Concepcion at ibang stars, ni minsan ay hindi raw nakaramdam si Phytos ng selos sa kahit sino sa kanila.

“Lagi po kaming magkausap ni Tita Becky. Para nga siyang si Charlie sa Charlie’s Angels. Lagi kaming one hour, two hours magkausap sa phone.

“Tapos pinapapunta niya ako. Actually, ako lang yung nakakakita sa kanya na artist niya.

“Hindi siya nagpapakita sa iba.”

Bakit sa kanya lang nagpapakita si Becky?

Pahayag ni Phytos, “Sinasabi naman po sa akin na anak na yung turing niya sa akin. And sobrang tagal na niyang gustong magkaroon ng baby boy. So ayun po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kine-claim ni Phytos na siya ang paboritong alaga ni Becky.

“Hindi ko po masasabing favourite, e. Kasi, siguro po kasi ano, parehas kami ng gusto.

“Parehas po kami ng gustong puntahan sa career. Parehas po naming gustong maging successful and yung takbo po ng utak namin, parehas. So feeling ko dun kami nagkaka-jive.”

Bakit hindi nagpapakita sa iba niyang talent si Becky?

“Iyon po ang hindi ko alam. Kahit kanino po hindi po. Sobrang bihira po,” tugon ni Phytos.

ROLE MODELS. Nais ni Phytos na sundan ang mga yapak ng Drama King na si Christopher de Leon at ni Piolo Pascual.

Saad ni Phytos, “Gusto ko po na [maging] Christopher de Leon na award-winning actor na Piolo na sexy.

“So yung ganung mix po talaga ang gusto ko, e.

“Wala pa naman po yatang nakakagawa nun, na dramatic actor na sexy.

“Most of the time, dramatic actor, dramatic actor lang, like John Lloyd [Cruz]. Hindi naman siya parang nagpapaka-sexy.”

 

 

WAITING FOR BIG BREAK. Naniniwala si Phytos sa tamang panahon ng pagsikat ng isang artista.

“Iyon din naman po ang sinasabi sa akin ni Tita Becky parati, pati ng mommy ko. May time na sabi ko, ‘Ma, baka hindi ako para sa showbiz.’

“Tapos sabi nila, ‘No, no. Right timing lang 'yan.

“'Tingnan mo si Alden [Richards]. Pasuko na siya and then biglang na-meet niya si Maine [Mendoza]. Then, boom! Sumikat siya.'

“So tuloy lang ang workout ko.

“Tuloy rin ang workshop ko sa GMA, dance, acting tsaka singing po, para din pag nilabas nila ako, wala nang back out. Talagang tuluy-tuloy na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN