Maine Mendoza before stardom: “Sobrang baba ng self-esteem ko.”

Prior to her phenomenal fame, Maine Mendoza always felt that she wouldn't make it in showbiz. She says, “Feeling ko po kasi I don't have what it takes to be an artist.”


Sino ang mag-aakalang ang phenomenal star ngayon na si Maine Mendoza—o kilala rin bilang Yaya Dub at ang ka-love team ni Alden Richards—ay dating simpleng babae na may insecurities?

“Yes po. Sobrang baba lang po ng self-esteem ko.

"Mahirap pong isipin kong ano'ng nakikita nila sa TV," pag-amin ng tinaguriang Dubsmash Queen, na maging siya ay nagtataka sa biglang pagsikat niya.

Lumabas ang interview ni Maine sa episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho nitong Linggo ng gabi, December 13.

Sa tanong kung saan nag-ugat ang insecurities niya, sagot ng 20-year-old TV personality, “Di ko rin po maisip.

“Kilala ko po ang sarili ko, habang tumatanda talaga, mababa na po talaga ang tingin ko sa sarili ko.

"Parang wala na talaga akong confidence.

"Parang sa lahat ng gagawin ko, parang iniisip ko lagi, hindi ko siya kaya."

Sabi pa ni Maine, pangarap man niyang maging artista noon, hindi niya inakalang matutupad ito.

“Feeling ko po kasi, I don't have what it takes to be an artist.

"Mababa po kasi ang tingin ko sa sarili ko.

"Parang tingin ko po, wala akong talent.

"Feeling ko, wala akong kayang gawin para sa isang artista."

 

OVERWHELMING SUCCESS. Pero makalipas lamang ang ilang buwan simula nang ipasok siya sa "Juan For All, All For Juan" segment ng Eat Bulaga, isa na ngayong phenomenal star kung ituring si Maine, partikular na ang tandem nila ni Alden na AlDub.

Kasunod nito ay ang pagtaas ng kumpiyansa sa sarili ni Maine.

Saad niya, “Feeling ko, ito na po ang chance ko.

"Hindi ko na ihu-hold back ang sarili ko.

"I need to step out of comfort zone din po kasi.

"Yun ang nagbibigay ng lakas ng loob sa akin.”

Sa bilis nga ng pagsikat ni Maine sa industriya ng showbiz, maging siya ay hindi alam kung ano ang ginawa niya para makuha ang kasalukuyang kasikatan na tinatamasa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lagi ko pong tinatanong ang sarili ko kung ano pong nagawa ko para makapunta po dito; kung ano pong meron ako; kung ano pong nagawa ko na di kayang gawin ng iba.

"Bakit yun nangyari po sa akin, yung pagtanggap po ng tao, bakit ganun.

“Di ko po alam. Plinano po talaga siguro ni Lord na ganito,” sabi niya.

Sa sobrang bilis nga raw ng mga pangyayari, hindi pa rin niya napag-iisipan masyado ang kanyang nakamtang stardom.

Pahayag ni Maine, “Sobrang overwhelming po.

"Honestly, hindi pa rin po nagsi-sink in lahat ng nangyayari.

"Hindi ko pa po siya iniisip, so hindi pa siya napa-process ng utak ko."

KEEPING IT REAL. Pero sa kabila ng katanyagan, napapanatili pa rin ni Maine ang humility sa tulong ng kanyang pamilya.

“Ako po kasi, yung parents ko, lagi po nilang sinasabi sa akin na huwag po akong magbabago.

"So, parang yun din po ang inilalagay ko sa utak ko na kahit ano pong magbago, kahit sa kasikatan, kahit ano pong madagdag sa akin, iniisip ko na kailangan ganun pa rin ako, tulad pa rin ng dati."

Sa lahat ng ito, may mahalagang nadiskubre si Maine tungkol sa kanyang sarili.

“Isa lang pong major talaga nadiskbre ko—na may kakayahan akong gawin ang mga bagay-bagay.

"And ngayon po, with Eat Bulaga, nalalabas ko po kung may talent at nakikilala ko ang sarili ko.

"Mas nagiging kumportable, mas nagiging confident ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN