Maine Mendoza to her bashers and haters: “Kebs lang.”

Maine Mendoza prefers to focus on the positive than the negative on social media: “Dun lang tayo sa positive. Kasi kung bibigyan mo ng atensiyon yung negative, parang maaapektuhan ka rin.”


Kasabay ng biglaang kasikatan ni Maine Mendoza at ng tambalan nila ni Alden Richards na AlDub ay ang pagdami rin ng kanyang bashers.

Ito ang inamin ni Maine sa interview niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho, na umere nitong Linggo ng gabi, December 13, sa GMA Network.

“Ngayon po, ang dami na talagang namba-bash sa amin, sa akin, [sa] AlDub.

"Pero ako po, iniisip ko talaga, bakit pag nakakabasa ako ng negative about sa akin, nagtataka ako... bakit di ako affected?

“Parang naisip ko, 'Ang weird, dapat affected ako, kasi masama yung sinasabi nila tungkol sa akin, pangit.'

"So, parang, 'Bakit?' Kebs lang.

"Pero good thing siguro na ganun reaction ko sa bashing ng tao."

Dugtong pa ni Maine, mas pinipili niyang ituon ang pansin sa positibong aspeto pagdating sa social media.

“Actually po, sa social media ngayon, sa Twitter po kung mag-i-scroll kayo, halo-halo—may good stuff, may bad stuff.

"Pero siyempre, focus lang tayo sa good stuff. Dun lang tayo sa positive.

"Kasi kung bibigyan mo ng atensiyon yung negative, parang maaapektuhan ka rin.

“Ako po, kebs lang.”

NO REGRETS. Aminado man siyang may mga negatibong aspeto rin ang pagpasok niya sa showbiz, mas itinutuon daw ni Maine ang atensiyon niya sa mga positibong aspeto, lalo pa't masuwerte raw siya sa mga pagkakataong ibinibigay sa kanya.

“Sa puntong ito, wala talaga akong regrets, kahit po sabihin nating may downside ang pagiging parte ng showbiz industry.

“Hindi ko po siya iniisip kasi mas focused ako dun sa positive sa kung ano'ng nangyayari sa akin ngayon.

"Kasi sobrang blessed po talaga ako ngayon kung iisipin niyo po.

“Yung sunud-sunod ang dating ng blessings sa akin, sa AlDub po, at [kay] Alden din.

"So, parang wala po akong time para isipin kung ano yung downside, kung ano yung para mag-wallow pa sa downside ng show business."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halos hindi na rin mabilang ang endorsements at commercials ni Maine, kasama si Alden, simula nang pumatok ang kanilang tambalan.

Maging si Maine mismo ay hindi makapaniwala sa dami ng kanyang endorsements.

“Actually, yung mga endorsements nga po ngayon, yung dating po nila, sobrang nabigla din po ako.

“Kasi sunud-sunod siya, e.

“Nagugulat din po ako na every week, meron shoot na naman ng new endorsement.

“Pero happy po ako kasi blessing siya, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN