Maine Mendoza and Alden Richards will name their future baby "Charmaine"

Napuno na naman ng kilig ang episode ng Kalyeserye ng Eat Bulaga! ngayong araw, December 14, dahil sa pagpa-practice nina Alden Richards at Maine Mendoza kung paano mag-alaga ng sanggol.


Kung magkakatuluyan sa tunay na buhay sina Alden Richards at Maine Mendoza, may nakahanda na silang pangalan para sa magiging panganay nilang anak—Charmaine.

Sa episode ng Eat Bulaga! ngayong Lunes, December 14, ay sina Alden at Maine ang sumugod sa masuwerteng Dabarkads na nanalo sa "Juan For All, All For Juan" segment.

Nagkataon namang may isang taong gulang na anak ang nanalong viewer, kaya napunta ang usapan ng magka-love team tungkol sa pagkakaroon ng baby.

Tanong ni Maine, "Alden, gusto mo ba ng baby? I mean, mahilig ka ba sa mga bata?"

Sagot ni Alden, "Alam mo, nagpa-practice na nga ako kay Baste, e."

Sabi naman ni Maine: "Ay, talaga? Alam mo, sa mga pamangkin ko, nagpa-practice din ako. Bini-breastfeed ko...."

Tila nabigla rin si Maine sa kanyang nasbai kaya bigla siyang bumuwelta at sinabing, "Hindi, sa ate ko, ibinibigay ko. 'Ate, kakain na si baby,' ganun."

Sabi naman ni Alden, "Maghahanap pa ba ako ng baby, e, nandiyan ka na?"

BABY NAME. Pagkatapos nilang ibigay ang mga papremyo ng nanalong Dabarkads, ay kinuha nito muli ang sanggol na anak at ipinahawak kina Alden at Maine.

Sa puntong ito ay nagkunwari ang dalawa na sila ang mga magulang ng bata.

Habang karga-karga nina Maine at Alden ang sanggol ay tinanong sila ni Joey de Leon kung ano ang ipapangalan nila sa kanilang magiging baby.

"Charmaine po," mabilis na sagot ni Maine.

Paliwanag pa niya, "Richard tsaka Nicomaine—Charmaine."

Richard ang tunay na pangalan ni Alden at Nicomaine naman ang kay Maine.

Maliban dito, sa halip na ang sanggol na hawak nila ang pinisil-pisil ni Maine habang sinasabi ang "Ang cute-cute naman ng baby," ang pisngi ni Alden ang kanyang pinanggigilan.

Kalaunan, habang karga-karga ang sanggol na may hawak na feeding bottle, ay ipinaliwanag ni Maine na iyon ang ibig niyang sabihin sa "breastfeeding" na binanggit niya kanina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin nawala ang palitan ng jokes nina Maine at Alden gaya nito:

Maine: "Knock, knock, I love..."

Alden: "I love who?"

Maine: "E, di ako."

"SABIHIN MO NGA..." Sa bandang huli ng Kalyeserye ay muling niyaya ni Alden si Maine (Yaya Dub) na sumama na lang sa kanya sa Laguna para doon tumira.

Sa istorya kasi ng Kalyeserye ay pinaalis na sa mansyon ang De Explorer sisters ng Lola Babah (AiAi-delas Alas) ni Alden.

Sabi ni Alden kay Maine, "Huwag kang mag-alala, mahal ko naman sila Lola, e."

Buwelta ni Maine, "E, ako?"

Sagot ni Alden, "Lalo ka na..."

Hirit naman ni Maine, "Lalo na ako? Sige nga, sabihin mo nga sa harap ko?"

Halatang nabigla si Alden sa naging sagot ni Maine at tila natigilan, kaya matagal siya bago nakapagsalita.

Nang magsasalita na siya ay biglang sumingit si Allan K at iniba ang usapan.

Samantala, nasaksihan ng mga manonood ng Eat Bulaga! kung gaano na talaga kakumportable sa isa't isa sina Alden at Maine.

Hindi na sila naiilang maghawakan ng kamay at magyakapan sa harap ng kamera.

Habang papunta nga sila sa bahay ng nanalo sa "Juan For All, All For Juan" ay magka-holding hands sila habang naglalakad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN