Rich Asuncion admits hiding relationship with Aljur Abrenica in the past to advance career

Rich Asuncion on ex-boyfriend Aljur Abrenica's career: "Sana makabawi siya, maka-get back, para mag-move na ulit sa career niya."


Bagong pasok sa GMA primetime series na Little Nanay si Rich Asuncion.

Bida rito si Kris Bernal at ang Superstar na si Nora Aunor.

Pangalawang beses lang daw itong pagsasama nina Rich at Kris sa isang TV project.

Dati nang nagkaroon ng isyu ang dalawa dahil ka-love team noon ni Kris si Aljur Abrenica, na boyfriend naman ni Rich sa tunay na buhay nung mga panahong iyon.

Magkaka-batch ang tatlo sa Season 4 ng artista search ng GMA-7 na StarStruck.

Sa Little Nanay kasi ay sina Rich at Kris ang laging magkasama sa eksena.

Pero ayon kay Rich, hindi na nila pinag-uusapan ang nakaraan.

“Wala, okay naman kami.

"Wala nang ganung usapan, kasi it’s all in the past and I’m happy."

“Friends kami… siyempre hindi naman kami yung naging close-close talaga na lumalabas kami. 

“Hindi ganun na closeness, pero when we see each other, kumustahan, ganun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rich sa presscon ng Anak OFW Film Festival sa Amici Restaurant, sa SM Megamall, nitong Huwebes, December 10.

Isa siya sa mga artista sa film entry na A Better Life, kasama sina Gabby Eigenmann at Hyannah Estanislao.

MANAGEMENT DECISION. Dahil matagal na ngang tapos ang trayanggulong pag-ibig nila nina Kris at Aljur, malayang sinabi ni Rich kung ano ang sitwasyon nila dati.

Hindi nga ba sila makaamin noong may relasyon sila para protektahan ang love team nina Kris at Aljur?

Sagot ni Rich, “Hindi naman necessarily because of their love team…

"Siguro sa aming tatlo na rin siguro yun, for our own careers."

Pinag-usapan nilang tatlo?

“Hindi naman. Siyempre decision yun ng management, hindi lang naman decision namin.”

Tinanggap daw nila ito.

“Kasi nga, may mga gusto kaming ma-achieve sa buhay, sa pagiging artista namin.

“So, hinayaan... I mean, nag-agree naman kami dun.

"So, kung ano yung mga nangyari after nun, yung mga consequences, kasama na yun, part na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi gusto naming gumanda ang career namin."

NEW LOVE. Ano ang reaksiyon ni Rich sa obserbasyon ng iba na kahit balik-Kapuso na si Aljur ay tumamlay ang showbiz nito simula nang magpa-release ito ng kontrata sa GMA last year?

“Well, ayoko naman i-wish yung kahit na sino na maging masama ang kapalaran nila, di ba? 

“Lalo na siya na naging kasama ko naman siya sa StarStruck.

“Siyempre I wish him na… sana makabawi siya, maka-get back, para mag-move na ulit siya sa career niya.

“Naging parte naman siya ng buhay ko.”

Sabi pa ni Rich, “Well, I’ve moved on and I’m happy… ang tagal na kasi nun.

“Nagpapasalamat nga ako na na-experience ko yung mga ganun kasi mas naa-appreciate ko yung ibinigay sa akin ngayon.

“Yung normal relationship na ibinigay sa akin na nae-enjoy ko and masayang- masaya ako.”

Pitong buwan nang karelasyon ni Rich ang Filipino-Australian na si Ben Mudie, player ng Philippine Volcanoes.

LOYAL KAPUSO. Sa kabilang banda, si Rich ay nananatiling loyal sa GMA Network.

Saad niya, “Kasi considerate sila sa akin, lalo na sa studies ko.

“Napagpapatuloy ko ang pag-aaral ko kahit nag-aartista ako, so  nagpapasalamat ako sa GMA.

“At kahit na hindi naman ako umabot sa lead, ganyan-ganyan, hindi naman ako nawawalan.

“Binibigyan nila ako palagi ng projects, binibigyan nila ako ng halaga.

"Natutuwa ako at nagpapasalamat sa kanila.

“Magiging forever grateful ako sa kanila … hindi naman ako magkakaroon ng pangalan kundi dahil sa GMA.”

Masaya naman daw siya para sa kapwa niya StarStruck alumna na si Sarah Lahbati na lumipat na sa ABS-CBN.

Ayon kay Rich, “Natutuwa ako sa mga naa-achieve nila and kung saan naman sila happy.

“Wala naman tayong dapat masabi dun, basta’t sila, yung mga decisions nila, kailangan naman nating respetuhin.

“At masaya naman ako na nakikita yung mga katulad nila na pareho yung pinagdaanan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na sumali ng reality [show] tapos naging ganyan na sila, so happy naman ako for them.

“Siyempre ako din sa sarili ko, may mga gusto rin akong ma-achieve.

“Kung hindi man ka-level ng mga na-achieve nila, at least ako sa  sa sarili ko, happy ako sa mga naa-achieve ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN