Janella Salvador shrugs off dad Juan Miguel Salvador's absence from her life

Ayon kay Janelle Salvador, tatanggapin pa rin niya ang amang si Juan Miguel Salvador kahit hindi siya artista ngayon. "It doesn't matter kung may pera ako o wala, basta he's my dad. He's gonna be a part of me if he reaches out or not."


Maganda ang taong 2015 para kay Janella Salvador, hindi lang sa career kundi maging sa kanyang personal na buhay.

Nabalitang nakaharap na niya sa personal ang kanyang ama na hindi niya nakita ng ilang taon—si Juan Miguel Salvador.

Hindi raw natatandaan ni Janella nang iniwan silang mag-ina ng kanyang ama.

“Six years ago na yun, its just one day na nakita ko siya.

“Yung time lang na nakilala ko siya, he left na,” pahayag ng anak ng singer na si Jenine Desiderio.

Ayaw nang magsalita ni Janella tungkol sa dahilan ng kawalan ng contact niya sa ama sa loob ng anim na taon.

Aniya, “Sinabi ng mom ko yung totoo, I’d rather not talk about it. It’s a normal misunderstanding of a couple.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janella sa pinakahuling presscon ng 2015 Metro Manila Film Festival entry na Haunted Mansion noong December 12.

SURPRISE VISIT. Salaysay ni Janella sa naganap na pagkikita nilang mag-ama, “Nagpi-perform siya sa Strumms every Thursday, nung August lang ito.

“I decided na puntahan siya tutal nasa area naman ako sa Makati.

"It was Thursday night, so I visited him na rin.

“Surprise, hindi niya alam, pumunta kami, nag-sneak in kami; binati ko lang siya pagkaalis namin.

“For the first time in six years, nakita ko siya.

"And for the first time in my life, napanood ko siyang mag-perform."

Mula noong August hanggang sa kasalukuyan, wala raw nabago sa sitwasyon nilang dalawa ng kanyang ama.

“Same pa rin naman, we don’t really talk daily, pero may door na nag-open finally nagkita na rin kami.”

Wala bang effort ang dad niyang tawagan o kumustahin siya, mag-reach out, mag-bonding silang dalawa?

Nakangiting sagot ni Janella, “He’s just waiting for right timing.

“Iniisip ko na lang, siya na'ng bahala kung kailan yung sinasabi niyang right timing.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FORGIVEN. Saad pa niya, “Sa totoo lang, never naman akong nagtanim ng galit sa kanya.

"Never akong nagalit kung bakit niya kami iniwan.

“Never ko namang na-feel yung pagkukulang niya.

"It’s really hard rin naman talaga to make bawi.

“I forgive him, siguro kinuwestiyon ko lang.

"Never ko namang na-feel yung kawalan kasi my mom has been my dad [also].

“Wala naman siyang ginawang pagkukulang as parent. I grew up na maayos naman.”

Kung hindi man daw siya naging artista na nabiyayaan ng mga oportunidad na tulad ng mga dumarating sa buhay niya ngayon, tatanggapin pa rin daw ni Janella ang kanyang ama.

Sabi niya, “It doesn’t matter kung may pera ako or wala, basta he’s my dad.

"He’s gonna be a part of me if he reaches out or not.

“I don’t know, hindi ko talaga alam, I don’t feel the hardships, e.”

EMPATHY WITH JULIA. Parehong nawalay sa kanila-kanilang ama si Janella at ang kanyang kaibigan na si Julia
Barretto.

Magkaiba nga lang ang naging pananaw ng isa’t isa sa kanilang pinagdaanan.

Si Julia ay nagtanim ng tampo sa amang si Dennis Padilla na umabot sa pagpapatanggal ng apelyido nito sa kanyang pangalan.

Napangiti muli si Janella sa tanong kung ano ang ipinayo niya kay Julia tungkol sa halos pareho nilang sitwasyon.

Sabi niya, “Recently, hindi masyado naming pinag-uusapan… I understand naman… it’s hard to lose a loved one.

“So, yun ang naiintindihan ko sa part niya, lalo na yung malaki na siya tapos nawala.

“Magkaiba naman kami, I guess it’s harder pag may malay ka na tapos nawala na yung dad mo.”

Alam daw ni Janella ang isyu sa kaibigan, pero ayaw na niyang magsalita tungkol dito para maiwasan ang posibleng pagsulpot ng intriga.

Nananatili raw silang magkaibigan kahit madalang mag-usap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CAREER PATH. Abala si Julia huli sa bagong soap nitong And I Love You So, at si Janella naman ay magsisimula na ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN.

Sa trabaho nila, hindi rin daw nagkaroon ng isyu sina Janelle, Julia, at Liza Soberano maski silang tatlo ang itinuturing na magkakaribal sa ABS-CBN bilang mga prinsesa ng soap.

Ayon kay Janella, “Hindi ko alam about the others, pero ako, I don’t like comparing my career path to the others.

“Kasi may sari-sarili tayong path, sarili natin time.

“Kung mahuli man tayo, we’ll still gonna have our own.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN