Albert Martinez rooting for Grace Poe in 2016

Albert Martinez on his presidential bet for 2016: "Right now, pinag-iisipan ko pa. Pag nakapasok si Senator [Grace] Poe. Siyempre, she's a good friend. I know her very well. Of course, I will support naman. At tsaka binilin sa akin ni Liezl [his late wife] si Senator Poe."


Walang plano ang aktor na si Albert Martinez na pasukin ang pulitika.

“Never! I was offered many times pero ever since, ayoko,” sabi niya.

Ano ang ayaw niya sa politics?

“Hindi ko siya calling talaga, e. It’s just, kung tutulong man ako, gusto kong tumulong on my own,” tugon ni Albert.

Pero may ibang artista na kahit hindi calling ay sige sa pagpasok sa pulitika.

Paliwanag ni Albert, “Pero gusto ko kasing ma-enjoy yung privacy ko.

"Ini-enjoy ko yung moments ko with my kids. Ini-enjoy ko yung moments ko with my friends.

“Kasi pag pumasok ka sa politics, ibibigay mo na yung heart and soul mo na dun.

"E, right now, nae-enjoy ko na itong ganito kasimple, ganito katahimik na lang.”

Sino ang susuportahan niyang presidential bet sa May 2016 elections?

Tugon ng aktor, “Right now, pinag-iisipan ko pa.

"Pag nakapasok si Senator [Grace] Poe.

"Siyempre she’s a good friend. I know her very well.

"Of course, I will support naman at saka binilin sa akin ni Liezl [Martinez, Albert’s late wife] si Senator Poe.”

Kung hindi makatakbo sa halalan si Senator Grace dahil sa disqualification case na inihain laban sa kanya, sino ang susuportahan ni Albert?

“If not, pag-iisipan natin kung sino talaga ang karapat-dapat na mamuno ngayon, na makakatanggal ng traffic, makakapagbigay ng bagong airport!” at tumawa si Albert.

Dagdag niya, “Kung sino yun, so iyon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN