Sharon Cuneta does not mind if KC Concepcion and Piolo Pascual give love a second chance

Megastar Sharon Cuneta does not mind if daughter KC Concepcion and Piolo Pascual give love a second chance. However, whether this happens or not, Sharon is just happy that she and KC are friends again with the dramatic actor.


Walang problema kay Megastar Sharon Cuneta kung sakaling magkabalikan man ang kanyang anak na si KC Concepcion at ang aktor na si Piolo Pascual.

“Okay lang sa akin. Kahit sino, basta masaya ang anak ko because, you know, she’s old enough,” pahayag ni Sharon, ayon sa ulat ng ABS-CBN News Online.

Buung-buo raw ang suporta niya kay KC sa anumang magiging desisyon nito.

“I don’t see her quite often.

"Kahit hindi kami lagi magkasundo o hindi kami nagkikita, alam naman niya na mahal ko siya at alam kong mahal niya ako.

"So, whatever she decides, I will support 100 percent.”

Nagkaroon ng di pagkakaunawaan sina Sharon at Piolo nang maghiwalay si KC at ang aktor noong 2011.

Pero nagkaayos ang dalawa nito lamang October 20, nang magkita sila sa birthday celebration ni ABS-CBN President Charo Santos-Concio.

Kuwento pa ni Sharon tungkol sa pagkakaayos nilang lahat, “Marami kasing hindi alam ang tao sa, kumbaga, samahan namin before everything na nagkagulo.

"But I’m very happy God talaga works in mysterious ways."

Read: Sharon Cuneta and Piolo Pascual finally meet again

WILLING TO WORK WITH PIOLO. Inamin din ni Sharon na pagkatapos ng mga nangyari sa kanila ay naging tulay ito upang mabuo ang pagkakaibigan sa pagitan nila.

“Piolo is already kaibigan na namin. Malapit sa puso,” sabi niya.

Sinabi pa ni Sharon na dapat magkatrabaho sina Piolo at KC. At maging si Sharon, bukas sa posibilidad na makatrabaho ang dramatic actor.

“They should work together again because Piolo is such a great actor.

“In fact, I’d like to work with Piolo.

“I want to work with the new generation of actors and actresses and also people that I’ve worked with before.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN