Albert Martinez admits Christmas 2015 is the saddest for their family

Albert Martinez: "It used to be a happy Christmas. Liezl [his late wife] makes it a point na kapag Christmas, magkakasama kami. Siya talaga ang punong-abala sa regalo to make sure, this and that. Right now, ako na yun. Well, it's going to be hard, but we'll manage."


Inamin ni Albert Martinez na hindi pa rin siya nakaka-move on kahit ilang buwan nang namayapa ang misis niyang si Liezl Martinez dahil sa cancer.

"Matagal ‘to, e. May mga times na mag-isa ko. And then, nakita mo ang mga places you go to, mga memories and all that, siyempre bagsak ka naman ulit.

“It would take a while,” pahayag niya.

Paano siya nagku-cope?

“I allow it. I really allow it.

“Siguro masama rin yun kapag panay kang tumatalikod.

"I allow myself to go through the process."

SADDEST CHRISTMAS. Ngayon ang unang Pasko ni Albert at ng tatlong anak nila—sina Alfonso, Alyanna at Alissa—na wala si Liezl.

Kumusta na sila?

“I’m embracing myself, kasi nga, it’s our first Christmas namin... the saddest Christmas.

"Kasi, it used to be a happy Christmas. 

"Liezl makes it a point na kapag Christmas, magkakasama kami.

"Siya talaga ang punong-abala sa regalo to make sure, this and that.

"Right now, ako na yun.

“Well, it’s going to be hard, but we’ll manage.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertaiment Portal) si Albert sa isang no-holds-barred pocket presscon na ginanap noong December 11.

THE CHILDREN. Bilib daw si Albert sa pagpapalaki ni Liezl sa kanilang mga anak.

“Nabantayan niya nang maayos. Kaya hindi ko sila... imagine, nakatawid nga ako sa mga bata.

"Alyssa is 22, Alfonso is 29, and Alyanna just turned 30.

“Lahat single. Yung mga bata yata ngayon, ayaw nang mag-asawa nang bata.”

Handa na ba si Albert na magkaapo?

“I’m beyond ready. Malungkot na sa bahay. Masarap na may apo,” sagot ni Albert.

Biniro naman si Albert na mag-asawa na lang siya ulit at magkaroon muli ng anak.

Reaksiyon ng aktor, “It crossed my mind  one time.

"'What if mag-asawa ako? How will my kids accept naman?'

"Hindi ko matimpla pa. Kasi super-selosa yung anak kong youngest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siya yung, kapag medyo late ako, ‘Where are you?’ Siya yung ganun.

"Or, ‘Saan ka galing? Why are you not with us?’

“Binabalanse ko rin kasi ayokong magdagdag pa ng heartache sa mga bata.

“I want to take care of them, make sure na makapag-asawa sila nang maayos.

"Gusto ko sana ng apo soon, sinuman sa kanila."

AMALIA FUENTES. Samantala, ikinagulat ng marami ang balitang nai-stroke ang mother-in-law ni Albert na si Amalia Fuentes habang nagbabakasyon ito sa South Korea.

Matatandaang nagkaroon ng matinding alitan sa pagitan nina Albert at Amalia nang magkasakit hanggang sa bawian ng buhay si Liezl.

Kumusta na sila ng kanyang biyenan?

Tugon ni Albert, “Well, my mother-in-law, this is another topic because medyo sensitive. 

"At saka hindi ako authoritative rito. Kung meron mang authoritative, this will be the Muhlachs and my kids.

“Based sa na-mention sa akin ng mga bata, she’s on her way to recovery.

"But the recovery will take a while... talagang extensive.”

Hindi pa raw nakadadalaw si Albert kay Amalia.

Sabi ng aktor, “Siguro kapag okey na ang lahat.

"I’m just waiting for the right time.

"Ayoko nang mag-add ng pressure to anyone baka unless—ayoko rin mag-add ng pressure to my mother-in-law.

“If I’m welcome there, ready na lahat, I’ll be there. I’ll be more than happy.”

Sa ngayon, gusto lang niyang maka-recover ang biyenan.

Sabi nga ni Albert, “Hindi magandang mangyari kahit na kaninong tao.

"I mean, kung anuman, kung anuman yung nangyari, sa akin tapos na yun.

"Pero kung makakita ako ng tao na dumadaan sa ganoong proseso, medyo mabigat.

“And nakikita ko na kahit paano, yung mga bata medyo nahihirapan.

"And the rest of the Muhlach family, medyo bothered sila because of what happened.

"We’re all hoping and praying na somehow, maka-recover nang maayos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ngayon, hindi natin alam how things will go."

BITTERSWEET. Paano niya ilalarawan ang kanyang 2015?

Sagot ni Albert, “Well, the worst thing that happened in my life happened in 2015.

"Losing a wife is no joke.

"And hanggang ngayon, dala-dala ko yun. Hindi matatanggal yun.

“On the positive side naman, I was given the opportunity na na-revive ko yung position ko sa industry.

"Iba rin naman. So hindi ko talaga...

"Kumbaga, it’s a mix. Bittersweet. Ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN