Dianne Medina says boyfriend Rodjun Cruz is husband material

Dianne Medina on longtime boyfriend Rodjun Cruz:"I pray. May quiet time ako with the Lord for 30 minutes every day. Bihira sa lalaki yung sasamahan ka, pati magro-rosary with you."


Nine years na sa 2016 ang relasyon nina Dianne Medina at Rodjun Cruz. Kaya madalas silang tanungin kung may plano na silang magpakasal.

Pero ayon kay Dianne, “No plans yet. Work muna. Ipon muna.”

Napag-uusapan na ba nila ang kasal?

“Yeah, pero more of… si Rodjun kasi focused sa work.

"Ayoko siyang i-pressure. Ramdam ko rin sa kanya na he’s not ready yet.

"Gusto kasi namin settled na lahat. May enough ipon, may business.

"Kasi hindi mo rin masabi kung hanggang kailan kami dito sa showbiz, e, di ba?

"At least may fallback, di ba?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dianne nang mag-sign siya ng contract bilang celebrity endorser ng Racal Group of Companies (RGC) na kinabibilangan ng Caida Tiles, Racal Auto Center, Racal Motors, E-Bikes, at iba pa, noong Disyembre 14 sa Racal Warehouse sa Bocaue, Bulacan.

Kasabay ni Dianne na pumirma ng kontrata ang basketball players na sina Ryan Pascual at Cris Javier, na magiging parte ng team ng Caida Tiles para sa PBA D-League simula Enero 2016.

Si Dianne ang muse ng team.

Natuwa raw si Rodjun sa bagong endorsement ng kasintahan.

"He congratulated me and sabi niya, proud naman po siya sa akin.”

Biro ng actress-TV host, “Sabi niya, siya raw, gusto rin niya [maging endorser]. Sama din daw siya pati si Rayver [kapatid ni Rodjun].

“Sabi ko, ‘Ang daya niyo. Baka matanggal ako. Ako muna.’"

Tamang-tama raw ang pag-endorso ni Dianne ng tiles. Kareregalo lang sa kanya ng father niya ng bagong bahay nang nagtapos siya ng kursong Communication Arts sa Miriam College.

Ani Dianne, “Excited ako at itse-check ko yung mga tiles nila.”

Ito ba ang bahay na tutuluyan nila ni Rodjun sakaling ikasal sila?

Tugon ni Dianne, “Ay, hindi. Ayaw ng daddy ko. Siyempre siya ang lalaki, so dapat siya ang mag-provide, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HUSBAND MATERIAL. Ano ang mga nagustuhan ni Dianne kay Rodjun?

Sagot ng dalaga, “Mabait po iyon, sobra.

"Alam niyo ang nagustuhan ko po sa kanya? Rare kasi sa lalaki iyong religious.

"Kasi mahilig akong magdasal. Every day, my petition and my act kasi is to go to church after work, right after my morning show.

“I pray. May quiet time ako with the Lord for thirty minutes every day.

"Bihira sa lalaki yung sasamahan ka, pati magro-rosary with you.

“Nag-start kasi yun nung nagka-breast cancer ang mom ko, and then she passed away.

"So, talagang naging malapit kami kay Lord because living miracle yung mom ko.

"She was diagnosed na sabi daw no chance to live, 50/50. Pero ten years pa siya ibinigay ni Lord.

“So, imagine, kung kinuha siya sa amin nang ganung kaaga, paano kami mag-aaral na magkakapatid?”

Okay ba si Rodjun sa daddy niya?

Tugon ni Dianne, “Okay naman. Love naman siya ng family.

“Kasi tight na rin yung family. Yung first cousin niya ang asawa ng kuya ko.

"So, talagang may connection na din. Tapos close ko naman din po sina Rayver.”

Paano nila napapanatiling matatag ang relationship nila, at hindi sila nagkakasawaan sa haba ng panahon nilang magkasintahan?

Tugon ni Dianne, “Kasi nga, we put God in the center of our relationship.

"Tapos every now and then, we spice up the relationship, like for example, si Rodjun mayroon siyang group sa GMA, kung saan umaakyat sila ng bundok.

“I’m not really into that. Hindi ako mahilig sa ganun.

"Pero I make sure na tina-try kong gustuhin yung gusto niya para may quality time kami together, para may iba naman.

"Laging may iba, laging may bago.”

Saan sila nagkakasundo?

Saad ni Dianne, “Nagkakasundo kami sa pagkain, sa movies.”

Hindi ba binibigyan ni Rodjun s Dianne ng dahilan para magselos?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos na kami sa phase na iyon noong mga bata pa kami.

"Siyempre may ka-love team siya na naisyu-isyu ako, pero wala na iyon.

"Parang ako rin nag-mature na kasi dati selosa ako e."

Husband material ba si Rodjun?

Pagsang-ayon ni Dianne, “As of now, yes.

"But I don’t want to pressure him.

"Kasi ramdam ko sa kanya na he’s still enjoying his single life and he’s still enjoying lahat ng trabahong nakukuha niya.

“Kasi ngayon lang siya talaga nabigyan ng break.

"So, parang nararamdaman ko sa kanya na gusto niya pa ng maraming trabaho at nag-e-enjoy siya sa pag-aartista niya, na matagal na niyang hinintay.

“So hinahayaan ko lang din siya.

"Pero yun lang sana, clear din sa kanya na I’m not getting any younger. I’m 29 already.

"Alam naman niya. Pero hindi ko naman siya pine-pressure. Ni-remind ko lang siya.

"Yun lang naman ang worry ko, yung baby. Mahirap pag matanda ka na.”

Ano ang magiging sentro ng interview kung mabibigyan si Dianne ng pagkakataong makapanayam si Rodjun?

Sagot niya, “Si Rodjun kasi is more of shy type, very mysterious.

"Siguro gusto kong malaman ng mga tao kung ano si Rodjun behind the camera or ano talaga yung life story niya.

"Parang iyon ang gusto kong focal point ng story ko.

“Because right now, I’m also doing a show. It’s called Real Talk.

"Show siya na nag-i-interview kami tungkol sa tunay na buhay at tunay na kuwento ng bawat tao.

“We were able to interview like si Senator Chiz Escudero. Pini-feature naming yung life story nila, how they started.

"So, maganda iyon for Rodjun.

"Kasi ang tingin sa kanya ng mga tao, tahimik, artista, ganun.

"Gusto kong malaman ng mga tao kung ano siya talaga, sino siya behind the camera.”

NEWS ANCHOR-HOST. Enjoy si Dianne bilang isa sa mga host ng morning show na Good Morning Boss.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag niya, “Four years na po akong anchor and host sa PTV-4.

"Napakagandang experience kasi they gave me a lot of opportunities, like I was able to interview a lot of different cabinet secretaries.

"I was able to interview the president of East Timor, na hindi ko nahahanap sa ibang work ko.

“Before kasi, full-time artista [ako].

"So ngayon, naisip ko, mas gusto ko more sa news or sa hosting.

"Pero kung may offer pa rin sa artista, go pa rin naman ako kasi gusto ko pa rin naman umarte.”

Kahit busy si Dianne, nagagawa pa rin daw niya lahat ng trabahong tinatanggap niya.

“Ngayon po, I try to juggle and balance everything through time management lang.

"Hindi na po ako halos natutulog because I wake up 5 A.M. every day for the morning show.

"And I also do Unang Hirit because I’m a segment host, because I’m currently endorsing Ever Bilena.

"May segment ang Ever Bilena sa Unang Hirit, and I do the hosting for that segment.

“Wala naman pong conflict kahit na pareho pong morning shows.

"Kasi pag Unang Hirit, taped naman po. At saka mas nauuna pong umere yung Unang Hirit kaysa sa Good Morning Boss.

Nagsilbing daan ang pagiging host at news anchor ni Dianne para makilala niya ang Racal Group of Companies chairman na si Jonito Racal.

Paliwanag ni Dianne, “I was able to interview Sir Racal kasi may group sila or mayroon silang team for D-League.

"Platform yung morning show namin to create more public awareness about D-League.

"Yung D-League yung parang training ground kung saan kumukuha ng draft picks ang PBA [Philippine Basketball Association] teams.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN