Roxas-Duterte word war escalates to fistfight, gun-duel challenge

Duterte challenges Roxas: "Barilan na lang. Takot mamatay ang mga mayayaman. Anong kinatatakutan ko?


Mas matindi ang panibagong hamon ng presidential candidates na sina Mar Roxas at Rodrigo Duterte laban sa isa’t isa.

Una na rito si Roxas na nais nang tapusin ang kanilang palitan ng maaanghang na salita sa pamamagitan ng suntukan.

Matapang na pahayag ni Roxas, “Sa dami ng problema na hinaharap ng ating bansa, ikaw, nauuwi ka sa kung anu-anong kalokohan.

“Gawin mo na lang kung anong gusto mong gawin.

“Sampalan? Bakit pa sampalan, pambabae ‘yan.

“Suntukan na lang!”

Kung noon ay madalas na idinadaan ni Roxas sa diplomasiya ang pagsagot sa pambabatikos laban sa kanya, tila palaban ang Liberal Party standard bearer lalo pa’t nalalapit na ang eleksyon.

Ibinigay din ni Roxas ang address ng kanyang bahay kung saan handa raw siyang harapin sa suntukan ang alkalde ng Davao City.

Patutsada pa ni Roxas kay Mayor Duterte, “Talk, talk, talk.

“‘Yan na lang ang ginagawa mo, Digong, e, daldal nang daldal.

“P. Tuazon, Cubao, Quezon City. Aantayin kita.

“Galit ako sa mga tao na akala nila sila lang ang kapangyarihan dito sa bansa natin.

“Kaya kung hindi ka pa nakaharap ng iyong katapat, Digong, nandito ako.

“Hindi kita aatrasan!”

Ngunit kung handang makipagsuntukan si Roxas, hindi rin paaawat ang PDP-Laban standard bearer na si Mayor Duterte na gusto namang makipagbarilan sa dating kaalyado.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines online news site ngayong araw, December 15, ito ang pahayag ni Mayor Duterte nang tanungin tungkol sa hamon ni Roxas na sampalan:

“Barilan na lang. Takot mamatay ang mga mayayaman. Anong kinatatakutan ko?"

Kilala sa kanyang kamay na bakal pagdating sa pamumuno sa Davao City, mismong si Mayor Duterte ang nagsabing humigit-kumulang apat na kriminal ang kanyang napatay sa kanilang lugar.

Read: 30 confessions, quotable quotes, anecdotes from Duterte


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN