Alden Richards and Maine Mendoza thank each other on AlDub's fifth monthsary

Ipinagdiwang nina Alden Richards at Maine Mendoza ang fifth monthsary ng kanilang tambalang AlDub sa Eat Bulaga! ngayong araw, December 16.


Muling naging emosyunal sina Alden Richards at Maine Mendoza sa selebrasyon ng kanilang fifth monthsary ngayong araw, December 16.

Limang buwan na nga ang nakalilipas mula nang unang magtagpo sina Alden at Maine, via split screen, sa "Juan For All, All For Juan" segment ng Eat Bulaga! noong July 16.

Dahil sa pagkikita nilang iyon ay nabuo ang AlDub love team na itinuturing na ngayong pinakasikat na tambalan sa bansa.

Sa Broadway studio ng Eat Bulaga! nag-celebrate ng kanilang monthsary ang AlDub, kasama sina Lola Nidora (Wally Bayola), Tinidora (Jose Manalo), Tidora (Paolo Ballesteros); ang Dabarkads na sina Vic Sotto, Joey de Leon, at Allan K; at ang AlDub Nation.

Sinariwa nina Alden at Maine ang una nilang pagkikita—kung saan nakapuwesto si Alden nang una siyang makita ni Maine bilang Yaya Dub.

Pero maliban dito ay ipinaalala rin ni Alden kay Maine ang araw na nag-audition siya sa Eat Bulaga! noong June 19, 2015.

Sa puntong ito ay nagsimula nang maging emosyunal si Maine dahil ang audition na yun ang nagbukas ng panibagong mundo para sa kanya at naging dahilan ng pagbabago ng buhay niya.

THANK YOU. Binigyan din ng pagkakataon ang ilang fans ng AlDub love team na magtanong kina Alden at Maine.

Isang fan ang nagtanong kung ano ang mensahe nila para sa isa't isa.

Mensahe ni Maine kay Alden, "Thank you. Thank you sa lahat.

"Thank you sa lahat ng sakripisyo na ginawa mo para sa Kalyeserye.

"Alam mo na yun, hindi ko na iisa-isahin. Sobrang thankful talaga ako.

"As in, totoo, ha, thankful talaga ako na dumating ka sa life ko.

"Kahit kailan, hindi ko makakalimutan yun, sinabi ko naman na sa iyo.

"Talagang itse-cherish ko siya buong buhay ko, kahit anumang mangyari."

Sabi naman ni Alden, "Ang tagal ko na sa industriya, four years. Ang dami nang naging challenges.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naniniwala talaga ako na kapag madasalin kang tao, mabuti kang tao, lahat ng ibibigay sa 'yo ng Diyos is kabutihan din.

"Ang nakakatuwa kasi, nabigyan ako ng chance to be part of Eat Bulaga..."

Halos hindi matuloy ni Alden ang kanyang sasabihin dahil naiiyak na siya.

Pero pagpapatuloy niya, "Ako rin, sobrang thankful din ako na dumating ka sa buhay ko, na nakilala kita.

"Kasi, sobrang laking blessing.

"Alam mo, naging blessing ka sa akin at sa maraming tao.

"And for that, nagpapasalamat kaming lahat sa iyo, Meng. Thank you."

Pagkatapos nito ay niyakap ni Alden nang mahigpit si Maine.

Wish naman pareho nina Alden at Maine na magtagal pa ang kanilang samahan bilang magka-love team, at nangako sila sa isa't isa na walang iwanan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN