Migo Adecer gears up to win as the Ultimate Male Survivor in StarStruck 2015

Migo Adecer on competing against Elyson de Dios: "We're best friends but it's competition. If he wins, okay, wala akong bitterness. Pero it won's stop me from trying to achieve the Ultimate Male Survivor title."


Ikinagulat daw ni  Migo Adecer na nakasama siya sa Final Four ng StarStruck Season 6.

Aniya, “Nagulat po ako kasi yung kasama ko sa backstage, si Jay Arcilla… I was the last one to be called out.

“Magaling din siyang [Jay] umarte at sumasayaw. He did really well din sa last challenge with Christopher de Leon.”

Ibig niyang sabihin, hindi siya karapat-dapat na makasama sa Final Four?

Pahayag ni Migo, “Well, I think deserving naman ako sa top four, I did well naman sa eksena ko.

“And I gave my best sa mga StarStruck challenge, thank God because he made a way for me to be on top four.

“Siyempre, even if you have high hope to any competition… just hearing your name being said, it’s always that moment.

“No matter it is your name or not, you’ll gonna be surprised.”

LIKELY WINNER. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Migo matapos ang announcement ng Final Four sa ginanap na StarStruck Live noong December 11.

Ngayong Sabado na ng gabi, December 19, mapapanood ang grand finals ng StarStruck 2015.

Ang kasama niya sa top four na si Elyson de Dios daw talaga ang nakikita ni Migo na mahigpit niyang kalaban para sa Ultimate Male Survivor title.

Sabi niya, “I thought naman si Elyson kasi malaki ang improvement niya rito sa StarStruck.

“From his Tagalog to his acting, mga movements niya and his character as well, he’s growing as a person.

“It’s nice talaga to see him come out with his real personality, which is very hard to find here in the industry, dito sa Pilipinas, di ba?”

Sa palagay niya, siya na kaya ang maging bagong Ultimate Male Survivor?

Sagot ni Migo, “Obviously I’ll fight.

"We’re best friends but it’s competition.

“If he wins, okay, wala akong bitterness, siyempre siya ang kaibigan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero it won’t stop me from trying to achieve the Ultimate Male survivor [title].”

HURDLING TAGALOG. Ano sa palagay ni Migo ang kanyang winning factor para masabing deserving talaga siya kung sakaling mapiling Ultimate Male Survivor?

Saad niya, “Alam ko na all I have to do na is to learn the language dito sa Pilipinas.

“I'd like to take a little break, even a month talaga, tuloy-tuloy, araw-araw.

“I think naman I can learn it in three months or less.

“Obviously naman, I know how to sing, I know how to dance and to act din.

“It’s just that nahihirapan ako sa Tagalog because of emotion but, for sure, that could be learned.”

Taga-Bacolod pero laking-Sydney, Australia, si Migo.

Sino naman sa mga council ang parang kabado siya at nakakaramdam ng takot.

“Jennylyn Mercado,” mabilis niyang sagot.

Bakit niya nasabi yun?

“Ewan ko, very fierce ang stare niya,” nakangiting sabi niya, “pero in a good way, very unique. “

SWELLHEADED? Sa mga comments online, may mga nagsasabing tila yumabang na si Migo.

Depensa niya sa sarili, “Honestly, hindi naman po.

“Ang tingin ko po, lost in translation lang talaga kasi… very open ako, joking all the time, biro-biro here and there.

“[I’m] that way talaga sa Australia. When I think of you as a close friend, I’ll be open to you.

“Siguro po, I am being misinterpreted and during elimination, I don’t want to look sad.

“Ayokong ma-sad; maybe they misinterpreted my feelings that I’m smiling, maybe they think that’s it.”

Sa isang banda, itong Pasko ay maituturing ni Migo na kakaiba at espesyal para sa kanya.

Sabi niya, “Well, I’m away from my family and it’s the first Christmas na I’m declaring na independent ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN