StarStruck finalist Klea Pineda tells why she deserves to win Ultimate Female Survivor

Klea Pineda on why she deserves the Ultimate Female Survivor title in StarStruck: "Una po sa lahat ginagawa ko ang lahat para dito sa pangarap ko. And alam ko naman na deserve ko 'to dahil alam ni Lord kung anong hirap ang dinanas ko sa StarStruck. At kung anong hirap ang ginawa ko para sa pangarap ko."


Tuwing darating ang Friday sa StarStruck ay pinaghahandaan ng finalist na si Klea Pineda ang kanyang exit speech.

Lahad niya, “Every Friday po, hindi po ako nag-e-expect na makukuha ako.

“Naghahanda po akong talaga every Friday, yung speech po… may last speech po kami.

“Ayoko ko po kasing magpakakampante every Friday.”

Kaya hindi pa rin makapaniwala si Klea na kabilang siya sa Final Four ng StarStruck 2015, kasama sina Ayra Mariano, Elyson de Dios, at Migo Adecer.

“I swear to God, hindi ko po talaga ine-expect.

“Yung Final Fourteen nga po, okey na okey na ako dun, hanggang sa nag-cut, kasama pa rin po ako run.

“Naramdaman ko po talaga ang blessing ni Lord sa akin.”

WITH GOD’S HELP. Ano sa tingin niya ang naglungsad sa kanya sa Final Four ng StarStruck?

Sagot ni Klea, “Siguro po, yung talent ko po sa dancing, acting, and singing.

“Kaya ko pong gawin yung tatlong yun and dagdag na rin po ng prayer at yung destiny sa akin ni Lord.”

Nang tawagin ang pangalan niya bilang isa sa Final Four, ano ang naramdaman niya?

“Noong una po, wala, shocked pa rin po ako hanggang sa nag-sink in na po sa akin.

“Sobrang saya ko po and sobrang blessed dahil isang surprise na naman ito sa akin ni Lord.”

Kung sakali, isa raw sa gusto niyang tularan na naging StarStruck hopeful din ay si Megan Young.

Aniya, “Gusto ko rin pong sumali sa ganun, sa beauty pageant na ire-represent mo ang bansa mo.

“Masarap po kasi sa feeling na nire-represent mo ang bansa mo.”

CLOSE RIVALRY. Si Klea ay 16 year old, mula sa Bulacan at posibleng isa sa kanilang dalawa ni Ayra ang tanghaling Star StruckUltimate Female Survivor ngayong Sabado, December 19.

Nararamdaman ba niyang siya ang tatanghaling bagong Ultimate Female Survivor o magiging mahigpit niyang kalaban si Ayra?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Klea, “Sa tingin ko po, opo, mahigpit po.

“Nakikita ko rin po na magaling siya sa acting, magaling po siya.”

Bakit sa palagay niya na siya ang dapat manalo?

Tugon ni Klea, “Una po sa lahat, ginagawa ko pong lahat ang makakaya ko para lang dito sa pangarap ko.

“And alam ko naman na deserve ko ‘to dahil alam ni Lord kung anong hirap ang dinanas ko rito sa StarStruck.

“At kung anong hirap ang ginawa ko para rito sa pangarap ko.”

TOUGH CHALLENGE. Kung mayroon man na hindi makakalimutan si Klea sa mga pagsubok nila sa StarStruck, isa na rito yung location shoot nila sa isang basurahan sa may Cubao area.

Lahad niya, “Iba po ang pakiramdam na ilalagay mo yung sarili mo sa mga taong hirap sa buhay.

“Iba po yung pakiramdam na nagkakalkal ng basura para lang makakain.

“Yun po ang naging extra challenge sa akin, plus iba po ang amoy ng basura.

“Pangalawa rin po na hindi ko makalilimutan yung may ahas po, sobrang laki po ng ahas.

“E, takot po akong talaga sa ahas, lahat po ng reptiles, ayoko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN