Dawson's Creek star Joshua Jackson shoots documentary in Dumaguete

Hollywood star Joshua posts photos of his experience in the Philippines, while shooting a documentary for National Geographic, on Instagram.


Dumating sa Pilipinas noong December 12 ang ‘90s Hollywood heartthrob na si Joshua Jackson.

Kasama ang Pilipinas sa ginagawang 21-day globetrotting ni Jackson para sa isang documentary on the effects of climate change titled Years of Living Dangerously para sa National Geographic.

Una nang nag-shoot ang Canadian actor sa Tokyo, Japan at isinunod na niya ang Pilipinas.

Sa Apo Island sa Dumaguete nag-shoot ang crew na kasama ni Jackson.

Sa kanyang Instagram account (@vancityjax) ay nag-post si Jackson ng ilang photos kasama ang mga Pinoy fans na nakakakilala pa sa kanya.

Tuwang-tuwa ang aktor sa hospitality na ipinakita sa kanya ng ating mga kababayan mula nang dumating siiya hanggang sa shooting nila sa Dumaguete.

Pinuri rin ni Jackson sa mga magagandang tanawin sa ating bansa.

Narito ang ilang posts niya sa Instagram:

Ducks fans in Manila!! Maybe this is the D4 squad?

A photo posted by Joshua Jackson (@vancityjax) on

Home sweet home for the next couple days.

A photo posted by Joshua Jackson (@vancityjax) on

Paradise needs no filter. #YEARSproject

A photo posted by Joshua Jackson (@vancityjax) on

#YEARSproject crew going all superhero in the dumaguete market.

A photo posted by Joshua Jackson (@vancityjax) on

#YEARSproject. So dramatic this morning.

A photo posted by Joshua Jackson (@vancityjax) on

#YEARSproject squad. Loading up for the day. Next stop Apo island.

A photo posted by Joshua Jackson (@vancityjax) on

Back from diving Apo island reef. #YEARSproject squad(some of em) keeping us safe in the water.

A photo posted by Joshua Jackson (@vancityjax) on

Sunrise over dauin #YEARSproject

A photo posted by Joshua Jackson (@vancityjax) on

WHO IS JOSHUA? Lumabas si Joshua sa mga pelikulang The Mighty Ducks, Scream 2, Urban Legend, Apt Pupil, The Skulls, Cruel Intentions, at Gossip.

Pero una siyang nakilala bilang si Pacey Witter sa ‘90s U.S. series na Dawson’s Creek.

Umere ang Dawson’s Creek mula 1998 hanggang 2003.

Co-stars niya rito sina James Van Der Beek as Dawson Leery, Michelle Williams as Jen Lindley, at Katie Holmes as Joey Potter.

Tulad ni Joshua, aktibo pa rin sa paglabas sa mga pelikula at TV series ang tatlong co-stars niya.

Si James ay kasalukuyang napapanood sa TV series na CSI: Cyber.

Si Michelle ay three-time Academy Award nominee (Brokeback Mountain, Blue Valentine, Weekend With Marilyn) at girlfriend ng namayapang aktor na si Heath Ledger.

Si Katie Holmes naman ay ex-wife ng aktor na si Tom Cruise at lumalabas siya sa TV series na Ray Donovan.

Si Joshua ay napapanood sa TV series na The Affair.

Headline ngayon sa gossip websites ang long-time girlfriend ni Joshua na si Diane Kruger dahil balitang may secret affair ito sa The Walking Dead star na si Norman Reemus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN