Former child actress Eliza Pineda willing to grace FHM cover

Eliza Pineda on gracing the cover of FHM: "Nakakatawa po kasi si mommy, sabi nga po niya sa akin, 'O ano, kailan ka pa magpo-pose sa FHM, pag matanda ka na?'"


Twenty years old na si Eliza Pineda, ang gumanap na batang Pippa, anak ni Piolo Pascual sa pelikula nila ni Judy Ann Santos na Till There Was You noong 2003.

Ngayong nasa edad na siya, papayag ba si Eliza kung offer-an siyang mag-pose nang sexy sa FHM?

Sagot niya, “Magpapaseksi muna ako. Medyo chubby pa po ako.

“Pero oo naman po. Papayag po ako. Kung magre-ready po muna ako.”

Handa naman kaya ang mga tao na makita siya sa cover ng men’s magazine ngayong sanay sila sa pagiging child actress ni  Eliza?

Pahayag niya, “Feeling ko naman po, kasi po kapag child actor ka, mahirap pong mag-transition ng adult.

“So, katulad po halimabawa ni Angelica Panganiban, or yung ibang mga Hollywood actresses din na nag-pose po sila nang sexy or tumanggap ng mature roles para makilala as an adult actor or as a mature star na.

“So siyempre, kung may opportunity po, puwede, puwede naman po.”

Papayagan daw si Eliza ng magulang niya na mag-pose sa FHM.

Kuwento niya, “Nakakatawa po kasi si Mommy, sabi nga po niya sa akin, ‘O, ano, kailan ka pa magpo-pose ng FHM, pag matanda ka na?’

“Dati po siyempre conservative siya.

"Pero ngayon po, parang sinabi niya, ‘Alam mo, ang ganda-ganda ng katawan ko nung bata ako, [pero] hindi ako nakapag-two piece. Ikaw, pag nabigyan ka ng chance, dapat habang bata ka pa, habang maganda pa 'yang katawan mo, habang makinis pa, i-show off mo 'yan,’ ganyan-ganyan.”

TRANSITION STAGE. Paano ang naging transition ni Eliza mula sa pagka-child actress papunta sa pagiging mature artist, na makikita sa pelikulang Haunted Mansion, entry ng Regal Entertainment, Inc. sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF)?

Aniya, “Ito po yung masasabi kong... it’s not really mature.

"Kasi high school student pa rin po kami, pero eto po yung kumbaga, eto po yung role na lahat kami parang lead or ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Last ko po kasing movie Thelma po.”

Ang Thelma ay pinagbidahan ni Maja Salvador noong 2011.

Tuwang-tuwa si Eliza at nakagawa siya ulit ng pelikula.

Saad niya, “So, ayun po. Sobrang na-excite po ako kasi matagal na po akong hindi nakakapag-movie. So, ang saya din po.

“Lalo na po horror ito and sobrang tagal ko na pong gustong mag-horror movie.”

Unang horror movie ni Eliza ang Haunted Mansion, kung saan co-stars niya sina Janella Salvador, Marlo Mortel,  Janice de Belen, Dominic Ochoa,  Iza Calzado, at iba pa.

Totoong takot daw ang naramdaman ni Eliza habang kinukunan ang mga nakakatindig-balahibo nilang eksena na idinirek ni Jun Lana.

Ani Eliza, “Lalo na po yung scene kasi  na first time naming makikita yung multo, lahat po kami.

“Kahit alam po naming fake, natakot pa rin kami kasi parang… hindi ko po alam, basta madadala po  kayo, e.

"Nakakatakot po talaga siya, lalo na pag nakita niyo yung itsura nung mumu.

“Nakakatakot po talaga siya.”

PASSION FOR FILM. Hindi gaanong naging aktibo sa showbiz si Eliza lately.

Pero paglilinaw niya, “Hindi naman po ako masyadong like nagpahinga. Nagge-guest pa rin po ako. Hindi lang po madalas.”

Hindi lang daw siya nagkaroon ng regular na teleserye sa ABS-CBN.

Paliwanag ni Eliza, “Ang last ko po kasi, Angelito [ni JM de Guzman]. Matagal-tagal na rin po.

“Habang nag-aaral po ako, nag-a-Angelito po ako.” 

Nag-enroll sa kursong Bachelor of Arts in Multimedia Studies si Eliza sa University of the Philippines (UP) Diliman si Eliza.

Dagdag niya, “Siyempre  po, kasi ito po yung passion ko talaga, e, film, movies. Tapos teleserye, ganun.

“Gusto ko rin pong ma-try magdirek, ganun, or mag-edit.

"So, ayun po ang kinuha ko kasi siyempre malapit na po sa puso ko.

"So, gusto ko pong matuto kung paano gumawa ng mga ganun.

“And writing din po, gusto ko rin pong mag-try.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DREAM LEADING MAN. Nagkikita pa ba sila ni Piolo Pascual?

Sagot ni Eliza, “Opo. Minsan po sa mga halimbawa, mga Star Magic events.”

Ano ang sinasabi sa kanya ng “tatay” niya?

“Nakakatuwa nga po kasi kilala pa rin po niya ako. Tapos nagbebeso po kami. Lagi  po niyang sasabihin sa akin, ‘Uy, ang laki-laki mo na!’

“Parang ang tanda ko na, ganun!” at tumawa si Eliza.

Nakikita pa ba sila ni Judy Ann Santos?

Tugon ni Eliza, “Hindi na po masyado.

"Last ko pong kita sa kanya [ABS-CBN] station ID pa po. Sobrang tagal na po nun."

Sino ang gusto ni Eliza na maging leading man kung bibigyan siya ng launching project ng ABS-CBN?

Tugon niya, “Kasi matagal na ring nire-request ng fans na si Joshua  Dionisio po yung maging ka-love team  ko.”

Nasa ABS-CBN ngayon si Joshua. Incidentally, magkahawig sina Eliza at Barbie Forteza na dating ka-love team ni Joshua sa GMA Network.

“Sabi nga po nila,” pagsang-ayon ni Eliza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN