Janine Gutierrez admits to auditioning for Encantadia role

Janine Gutierrez on what she will give boyfriend Elmo Magalona for Christmas: "Hindi ko nga alam, e. Wala pa akong nabibiling kahit anong regalo para kahit kanino."


Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nag-audition si Janine Gutierrez para sa remake ng Encantadia.

Noong una ay hindi pa makasagot si Janine kung nag-audition siya para sa telefantasya.

Pero, with the permission of GMA staff na kasama niya, umamin ang aktres na totoo ang balita.

“Opo, nung Sabado [December 12],” sambit ni Janine.

Hindi idinetalye ni Janine kung anong role ang in-audition niya. 

“Ayoko po kasing pag-usapan kasi baka ano!” natatawang sabi niya.

Wala pa kasing nabubuong final cast, kaya ipinagdarasal ni Janine na isa siya sa mga mapipili para sa apat na female leads ng Encantadia.

Sumikat sa telebisyon ang Encantadia noong 2005.

Ang lead characters at ang mga artistang itinampok dito ay sina Amihan (Iza Calzado), Alena (Karylle), Danaya (Diana Zubiri), at Pirena (Sunshine Dizon).

Nasa orihinal na Encantadia rin sina Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi. 

Kailan malalaman kung nakapasa si Janine sa audition at kung anong role ang gagampanan niya?

“Matagal pa po yun,” sagot niya.

Sa February 2016 magsisimula ang taping ng bagong Encantadia at malamang umere sa Hulyo.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janine sa pocket presscon niya noong Lunes, December 14, sa There’s Something About Sunday restaurant sa Quezon City

CHRISTMAS PLANS. Gaya ng karamihan, nakasentro sa pamilya ang plano ni Janine sa darating na Pasko.

“Bahay lang siguro ni Mama,” pagtukoy niya sa inang si Lotlot de Leon.

Pupunta rin daw si Janine sa bahay ng Mamita o lola niyang si Pilita Corrales.

“New Year kay Mama din tsaka kay Mamita,” saad ni Janine.

Samantala, wala pa raw siyang naiisip na Christmas gift para sa boyfriend na si Elmo Magalona.

“Hindi ko nga alam, e. Wala pa akong nabibiling kahit anong regalo para kahit kanino!” natawang sabi ng Kapuso actress.

Madalang na ba silang magkita ni  Elmo ngayong wala na ito sa GMA at lumipat na sa ABS-CBN?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 “Medyo parang ganun pa din. Kung may difference, konti lang,” sagot ni Janine.

Sinabi rin ng aktres na nakilala na niya nang personal ang bagong ka-love team ni Elmo na si Janella Salvador.

“Opo, actually na-meet ko siya for the first time, sa isang Christmas party. Ano po siya, Christmas party po ng client,” kuwento ni Janine, referring to a new endorsement na hindi pa niya puwedeng idetalye.

NEW LOVE TEAM. Ngayong may bagong ka-love team si Elmo, sino kina Aljur Abrenica at Mark Herras ang magiging kapareha ni Janine magmula ngayon?

Kasama sina Aljur at Mark sa pinagbibidahang show ni Janine na  Dangwa.

“Ngayon po sa Dangwa, kami po ni Aljur tsaka ni Mark,” sagot ni Janine.

Ano ang reaksiyon niya sa mga nagsasabing bagay sila ni Aljur dahil tall, dark and handsome ito at matangkad na mestiza beauty naman siya?

“Talaga?” nakangiting tanong ni Janine.

Wala muna silang guests sa Christmas week ng Dangwa dahil kina Janine, Aljur, at Mark lamang nakasentro ang istorya.

Pero this week, masaya si Janine na ang tiyahin na si Matet de Leon (nakababatang kapatid ni Lotlot) ang isa sa mga panauhin sa naturang serye. Kasama rin nila sina Louise delos Reyes, Rodjun Cruz, at Derrick Monasterio.

OUTLOOK FOR 2016. Samantala, kasama si Janine sa horror-comedy na Buy Now, Die Later, isa sa official entries sa 2015 Metro Manila Film Festival.

Ipalalabas naman ang dalawang indie movies ni Janine, ang Lila at Dagsin, next year.

Malamang na lumipat na si Janine sa bagong condo unit na nabili niya pagsapit ng January 2016.  

Dapat sana ay ngayong December siya lilipat, pero busy ang aktres.

“Hindi ko kasi siya maasikaso nang todo, e.”

So new year, new home siya.

“Oo nga po, e,” pagsang-ayon ni Janine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN