Will Joem Bascon marry girlfriend Trisha Uy next year?

Joem Bascon on settling down with TV commercial-girlfriiend: "Siyempre, una ang pamilya, at nakatapos na ako ng first run with my family. Ito naman ang para sa akin."


Inamin ni Joem Bascon na iniisip na niyang lumagay sa tahimik kasama ang girlfriend of five years na si Trisha Uy.

Pero gusto niya raw munang mag-ipon para sa kinabukasan nila ni Trisha, isang television commercial model.

“Siyempre, una ang pamilya at nakatapos na ako ng first run ko with my family. Ito naman ang para sa akin,” sabi ni Joem nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand presscon ng 2015 Metro Manila Filmfest (MMFF) movie
niyang Haunted Mansion noong December 9.

Kailan niya pakakasalan si Trisha?

“Next year na siguro. Treinta na ako,” sagot ni Joem.

Gusto rin bang mag-showbiz ng girlfriend niya? 

“Gusto niyang umarte,” sabi ni Joem.

Hindi kaya sila magkaroon ng conflict kung pareho silang artista?

Pagtanggi ng aktor, “No, I’m happy at saka for keeps naman akong magmahal. Alam niyo naman ‘yan.

"Kahit naman kay Meme [Meryl Soriano, his ex-girlfriend] noon, yun din ang sinasabi ko.

“Ako kasi ang tipo ng lalaking kung sino ang babae ko for now, yun talaga lang.”

TEN YEARS OF SHOWBIZ. Isang dekada na ang nakalipas mula nang madiskubre si Joem ng kanyang manager na si direktor Jerry Sineneng.  

Masaya naman daw si Joem sa takbo ng career niya.  

“Happy naman po. Wala namang hinihingi kasi alam niyo naman ako, basta may work, may work.

“Siyempre, dumating tayo sa point na parang ganito kami, katulad nila Marlo [Mortel], mga bata. Pero siyempre, medyo nagkakaedad na rin.

“Happy na rin with the young ones. Maraming may potensiyal, maraming may respeto.”

Marami bang nabago sa buhay ni Joem sa loob ng sampung taon?

Sagot niya, “Naging mas independent. Natulungan ko ang mga magulang ko.

"Happy ako siyempre. Nakapagpundar ako for my family, my dad at saka yun, with my girlfriend na of five years.

“Siguro yung natuwa yung parents ko sa kung anuman ang naitulong ko sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Financial, siguro yun na ang greatest achievement ko.”

Isa si Joem sa mga kinikilalang mahusay na aktor ng kanyang henerasyon.

Hindi ba yun ang greatest achievement niya pagdating sa career niya, lalo na at nagsimula siyang walang karanasan sa pag-arte?

“Well, yes, of course, pero masarap kasi sa pakiramdam na nakakatulong ka sa pangangailangan ng mga taong mahal mo sa buhay,” sabi ni Joem.

Hindi ba siya napapagod na parating supporting roles ang kanyang ginagawa?

“No, I don’t,” mabilis na sagot niya.

“Right now kasi, puro support ang ibinibigay nila, but I’m happy na puro support ang binibigay nila sa akin.

"Itong mga batang ‘to.  I’m happy na nandito lang ako.

“It’s my work. Kung ano ang makakatulong sa industriya, kung ano ang makakapagpasaya at maise-share ko sa lahat, okey ako.”

Sa tingin ni Joem, na-achieve na niya ang longevity sa showbiz?

Sabi niya, “Feeling ko po, yes, feeling ko.

“For now, pinaghirapan ko kasi siya. Masasabi kong tatagal ako.

"Siguro kung naka-ten years ako, another ten years from now and I’m happy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN