Angelica Yap signs up with Viva; admits to being hurt by bashers

“Iba rin yung naging hirap ko roon kasi nagsimula siya with bashing," says Angelica Yap, a.k.a. Pastillas Girl, about her experience with cyber bullying.


Nagtaka ang entertainment reporters nang makita nila si Angelica Yap, na mas kilala bilang Pastillas Girl, sa Christmas party na inihanda ng TV5 para sa press, ngayong Huwebes ng tanghali, December 17, sa Novotel, Cubao, Quezon City.

Ngunit sa maiksing pakikipag-usap niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nilinaw ni Angelica na dumalo lamang siya sa event para samahan ang ilang taga-Viva.

Nabanggit din niyang nakapirma na siya ng five-year contract sa Viva Artists Agency, pero wala pang nakalinyang proyekto na gagawin niya.

Nakangiting sabi niya, “Sana meron na.

“I'm gonna start with workshops daw po muna.

“Siyempre, hindi rin naman po ako um-acting-acting sa It's Showtime.

“Ang nangyari lang sa Showtime is reality lang talaga, kung sino ako...

“Sa Viva, ilu-launch naman nila yung what I can do naman—I dance, I act, I host, aside from being a real person.”

CYBER BULLIES. Unang nakilala si Angelica bilang Pastillas Girl sa naging viral na
video sa Internet hanggang sa kunin siya ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Aminado si Angelica na tila siya ang naging pantapat ng It's Showtime sa pagsikat ni Yaya Dub, o Maine Mendoza sa totoong buhay, sa Eat Bulaga!

“Of course, at that time kasi, kailangan ng something... Kasi, di ba, si Yaya Dub, nasa taas na siya?

“Iba rin naman po talaga ang ginawang ingay ng Yaya Dub versus Pastillas Girl, kasi from being nobody to someone na naging karibal ni Yaya Dub.”

Gayunman, sabi ni Angelica, “Iba rin yung naging hirap ko roon kasi nagsimula siya with bashing.”

Bagamat bago pa lamang siya sa entertainment industry, matindi na rin daw ang nararanasan niyang pamba-bash sa Internet.

“Hindi po ako sanay, e,” sambit niya.

Sa kabila nito, pinapayuhan naman daw siya ng mga host ng It's Showtime na hayaan na lamang ang mga negatibong komento na mababasa niya sa Internet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang sabi lang sa akin ng Showtime, of course, sila Ate Anne [Curtis] at sila Ate Vice [Ganda] na sobrang ang dami rin nilang bashers before, dedmahin na lang din.”

UPDATE ON MURDER OF HER MOM. Samantala, tinanong ng PEP si Angelica kung ano na ang update sa
pamamaslang sa kanyang ina na si Teresa Yap.

Ayon kay Angelica, ang anggulo tungkol sa kanyang love life ang tinitingnan ngayon sa imbestigasyon.

“Na-invite na rin yung mga exes niya,” dagdag ni Angelica.

Umaasa siyang maging positibo ang resulta ng imbestigasyon.

Aniya, “Sana lang mapatunayan nila na walang kinalaman.

“Kasi, ang isang malaking tinitingnan ay it's personal.

“Nag-hire sila ng gunman to kill my mom, hindi lang siya isang simpleng pagpatay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN