Carl Guevara opens up about relationship with TV5 artist Chanel Morales

Carl Guevarra on girlfriend Chanel Morales: "Two months na rin kami. Kasi ang tagal ko rin naman na sa akin, siguro yung last kong relationship, matagal kong itinago kahit alam naman ng mga tao na meron. So, nang walang-wala na, nakita ko si Chanel. Niligawan ko at naging kami."


Kahit sandali pa lang silang magkarelasyon, naging bukas agad ang hunky actor na si Carl Guevara at ang TV5 artist na si Chanel Morales tungkol sa kanilang magandang pagtitinginan.

Bakit mabilis inamin ni Carl na sila na ni Chanel?

Tugon niya, “With Chanel, two months na rin kami.

"And kasi, ang tagal ko rin naman na sa akin, siguro yung last kong relationship, matagal kong itinago kahit alam naman ng mga tao na meron.

“So, noong walang-wala na, nakita ko si Chanel. Niligawan ko and naging kami.

"Wala namang masama kung ilalabas ko kesa sa itatago ko pa."

Ang tinutukoy na huling nakarelasyon ni Carl ay ang Kapuso actress na si Kris Bernal.

Mas kumportable raw si Carl na bukas siya tungkol sa kanyang love life.

Paliwanag niya, “Ako naman kasi, kapag may karelasyon ako, ayoko ng itinatago.

"Kumbaga, ang dami na ngang stress sa trabaho, sa buhay, daragdagan mo pa?

“Itatago mo pa ang relasyon niyo, dagdag-isyu pa, di ba?

“Ayoko na ng maraming issue na sinasagot, sa pagde-deny ng mga relasyon at dadagdag pa sa ibang issue.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carl sa pictorial ng PPL artists sa Marco Polo Hotel, Ortigas City, noong December 15.

BECAUSE OF WATTPAD. Nakakasama na raw noon ni Carl si Chanel sa gag show ng TV5 na Tropamoko, pero hindi sila nakakapag-usap talaga.

Ayon kay Carl, “Nagkaroon kami ng Wattpad [show]. Siyempre, kuwentuhan.

"At saka, kung wala ka namang karelasyon at meron kang ka-love team na okey, siyempre kahit sa mga tuksuhan na lang sa set.

“At nakikita ko kay Chanel na mabait siya, responsible, at may pinag-aralan.”

Malaking bagay ba kay Carl na hindi na niya kailangang itanggi ang relasyon niya kay Chanel?

Tugon niya, “Malaking bagay talaga sa akin. Ayoko kasi, unang-una, na itinatago.

"Kasi, wala namang masama, e. Unang-una, maayos naman akong tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ako naniniwala sa mga trabaho-trabaho.

"Kahit paano naman, 2008 pa lang, nag-artista na ako. Siguro tapos na rin ako sa tago-tago ng love. 

“Seven years na rin ako sa showbiz. Ayoko na rin nung may itinatago.

“Wala namang dahilan para itago lalo na kung hindi naman nagko-conflict sa trabaho.”

Kumusta ang relasyon ni Carl sa pamilya ni Chanel at vice versa?

Tugon ni Carl, “Okey naman. Last month lang pumunta kami sa Bacolod, sa kanila. Mabait ang daddy at mommy niya.”

For keeps na ba si Chanel sa buhay niya?

“Hindi ko masasabi pero sana siya na. Sana tumagal ang relasyon namin,” nakangiting sabi ni Carl.

OVERLAPPING RELATIONSHIP? Hindi ba nag-overlap ang relasyon ni Carl kay Chanel at kay Kris Bernal?

Parang kailan lang yata sila nag-break ni Kris. At parang on and off sila noon ng Kapuso actress.

Paglilinaw ni Carl, “Well, yun nga. Actually, akala mo ba hindi naging kami? Tapos on and off?

"Siguro yung on and off, magulo ‘yan. Hindi mo alam yung on and off.

"Akala mo hindi na kayo, tapos kayo pa pala."

Kailan ba sila official nag-break ni Kris?

“Ang alam ko talaga, before Christmas pa last year.

"Hindi naman kasi kami nagkabalikan na talagang balikan.

"Nagkakausap, nagkakamustahan, pero hindi yung kami talaga."

Dagdag ni Carl, “Nagkakausap kami ni Kris, kamustahan. Noong birthday ko, grineet niya ako.

“Nag-thank you ako kasi naalala niya ang birthday ko.

"Noong time na yun, nagkikita kami lalo na sa gym. Lumalabas, pero hindi talagang labas na date.”

Okey ba sila ni Kris ngayon?

Saad ni Carl, “Okey naman. Okey naman kami.

"Masaya rin ako kung nakikipag-date na siya, sa trabaho niya, blessing naman.

"Meron siyang show, di ba?

“Nakikita ko namang happy naman siya.”

TV5 WORK. Regular si Carl sa variety show ng TV5 na Happy Truck Ng Bayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala raw siyang network contract sa TV5 kaya puwede pa rin siyang gumawa ng proyekto kahit saan.

Masaya ba siya sa TV5?

Ani Carl, “Masaya naman. Happy naman ako sa mga shows na nagagawa ko sa TV5.

"Pero ngayon kasi, nakikita ko sa TV5, nag-tie-up na yata sila ng Viva.

“Viva-Kapatid na. Sa nakikita ko, nagiging priority na nila siyempre yung...

"Well, kung hindi naman ako under contract ng TV5 at Viva, hindi naman ako priority. Pero kahit papaano, nasisingit ako.

“Pero siyempre, kahit paano, priority nila ang Viva artist nila at ibang TV5 artists nila.

"Sa akin naman kasi, kung saan may show. Kung bibigyan pa rin nila ko ng show, okey lang.

“Kaya ako, hindi ko masasabi kung saan ko gusto, kung saan may trabaho.

"At thankful ako na may Happy Truck ng Bayan ako na dire-diretso pa rin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN