Miguel Tanfelix asks for Alden Richards's help for new teleserye with Bianca Umali

Bianca Umali on being paired with Miguel Tanfelix: "Kasi talagang iba na yung level of comfort and trust bilang co-workers and co-actors."


Nilinaw ng magka-love team na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali na hindi sila nakakatanggap ng pamba-bash mula sa fans ng AlDub (Alden Richards at Yaya Dub o Maine Mendoza) dahil sila ang mga bida sa Wish I May, ang susunod nilang teleserye na siya ring titulo ng hit song ni Alden.

Bukod kasi sa may mga pagkakataong nag-duet sina Alden at Maine ng "Wish I May," sila rin ang tampok sa music video ng nasabing kanta.

Kaugnay nito, naitanong ng ilang entertainment press kina Miguel at Bianca kung may AlDub fans ang hindi nagustuhan na sila ang magbibida sa upcoming teleserye at hindi ang kanilang mga iniidolo.

Sagot ni Miguel, “Wala naman po and sana wala."

Natatawang biro pa ng Kapuso teen actor, “Siguro kung mag-bash ang AlDub [fans] sa amin, ang dami naman!”

Tanong naman ng isang entertainment reporter, baka kasi may ilang fans ang umasang na ang AlDub ang magbibida sa Wish I May bilang sila ang nagpasikat sa kanta.

“Wala naman po,” diin ni Bianca.

Sabi pa ni Miguel, willing siyang humingi ng tulong kay Alden para i-promote ang kanilang teleserye na opening salvo ng GMA Network sa 2016; magsisimula ito sa January 18.

“Kuya Alden, i-promote mo naman kami!” natatawang panawagan pa ni Miguel sa Pambansang Bae.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Miguel at Bianca sa pocket press conference para sa kanilang teleserye nitong Biyernes, December 18.

TOGETHER AGAIN. Samantala, masaya sina Miguel at Bianca dahil sila muli ang opening salvo ng GMA pagdating sa teleserye.

Ang tambalan din nila ang buena mano ng Kapuso network noong 2015 para sa teleseryeng Once Upon A Kiss.

Sabi ni Bianca, “Very thankful kasi two years in a row, maganda ang start ng year namin.”

Dugtong naman ni Miguel, “Thankful po sa GMA dahil binibigyan kami ng ganitong project na minsan lang po maka-encounter ng ganito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iba ang tiwala nila sa amin at iba ang tiwala namin sa kanila."

Usisa ng PEP kina Miguel at Bianca, mas gusto ba nilang maipareha sila sa iba o manatili sa kanilang love team?

Sagot ni Bianca, “Mas preferred ko, personally, yung kaming dalawa siyempre.

“Kasi talagang iba na yung level of comfort and trust bilang co-workers and co-actors.

“Pero open pa rin kaming dalawa on being partnered sa ibang actors.”

Halos ganito rin ang sagot ni Miguel.

Aniya, “Mas preferred ko si Bianca.

"Kasi kung ipa-partner ako sa iba, back to zero na naman po. Ibi-build ang relationship.

"Tsaka bukod dun, masaya ako na katrabaho si Bianca kaya preferred ko siya.”

Samantala, papalitan ng Wish I May ang long-running afternoon soap na The Half Sisters.

Tampok din sa Wish I May sina Camille Prats, Alessandra de Rossi, at Mark Herras.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN