Pia Wurtzbach seeks help of AlDub Nation for Miss Universe

Miss Universe Philippines 2015 Pia Wurtzbach posted a photo of her doing the "Pabebe Wave" on Instagram.


Humingi ng tulong mula sa AlDub Nation ang Miss Universe Philippines 2015 na si Pia Wurtzbach para sa social media judging system ng Miss Universe 2015.

Kanina, December 19, nag-post si Pia ng kanyang litrato habang naka-pabebe wave at may kalakip na mensahe para sa AlDub Nation.

Malapit na kaibigan ni Pia ang ilan sa Eat Bulaga! Dabarkads, kabilang sina Pauleen Luna at Paolo Ballesteros.

Gaganapin ang grand coronation ng Miss Universe sa Las Vegas, Nevada, sa Lunes ng umaga, December 21 (December 20 sa US).

Real time ang bagong social media judging system ng Miss Universe para sa taong ito. Makakaboto lang ang netizens habang rumarampa si Pia sa stage.

Delayed telecast ng pageant ang mapapanood sa ABS-CBN kaya naman hinikayat ni Pia ang kanyang mga tagasuporta at ang AlDub Nation na manood gamit ang cable o kaya'y online streaming.

Malaking tulong daw ang botong makukuha ni Pia mula sa AlDub Nation upang makapasok sa Top 5 ng pageant.

Kilala ang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza sa araw-araw nitong pagpapa-trend ng AlDub hashtags sa social media.

Sa katunayan, noong October 24, record-breaking ang 41 million tweets ng Aldub Nation para sa Tamang Panahon concert ng Eat Bulaga.

Ang buong mensahe ng beauty queen sa kanyang Instagram:

"Hello #AldubNation pwede ko po bang mahingi ang tulong nyo para sa laban ko sa Miss Universe? :) #ForThePhilippines #LabanPiaPinas #MissUniverse #MissUniverso #ConfidentlyBeautiful @pauleenluna @pochoy_29

"May online voting po sa mismong final night. Yung votes nyo po papasok habang ako po ang naglalakad sa stage. Real time po yung votes.

"You can watch the pageant thru online streaming or cable TV. Delayed telecast po kasi sa ABS-CBN at hindi po papasok ang votes pag tapos na po akong maglakad. Check the link on my bio for details of voting :)"

Kahapon, December 18, marami ang napabilib sa naging performance ni Pia sa Preliminary rounds ng Miss Universe pageant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa na rito ang Miss Universe 2010 na si Ximena Navarette at ilan pang former Philippine representatives sa Miss Universe, kabilang sina Janine Tugonon, 2012 Miss Universe 1st runner-up; Ariella Arida, Miss Universe 2013 3rd runner-up; at Mary Jean "MJ" Lastimosa, na nakapasok sa Top 15 noong Miss Universe 2014.

Read: Pia Wurtzbach tops Miss Universe 2010 Ximena Navarette's list of 'favorite candidates' for Miss U 2015

Humingi rin ng tulong ang pageant trainer ni Pia na si Jonas Gaffud sa netizens gamit ang Instagram upang iboto si Pia.

Ang mensahe ni Jonas: "Mahal kong Pilipinas. Please do this before Monday to be able to vote for our very own Miss Philippines Pia Wurtzbach DURING THE LIVE TELECAST.

"Yes we have the power to vote on the finals night (well morning sa Philippines) so please please I ask for your help. Spread the word. Thank you mahal kong mga kababayan :-) #missuniverse2015 #missphilippines"

Kasama sa mensahe ni Jonas ay ang paraan kung paano maiboboto si Pia sa Miss Universe.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN