PBB 737's Tommy Esguerra and Miho Nishida now a couple

Miho Nishida on why she said "yes" to Tommy Esguerra: "Nakikita ko sa araw-araw hindi ka naman nagbago, ganun ka pa rin. At yun pinakamasaya ako na ginawa mo, inintindi mo yung... inalagaan mo yung mommy ko, si Aimi, yung mas binibigyan mo siya ng respeto kaysa sa akin, yun ang nagustuhan ko sa 'yo."


Opisyal nang magkarelasyon ang Pinoy Big Brother 737 Big Winner na si Miho Nishida at ang first big placer na si Tommy Esguerra.

Kinilig ang madlang people nang tuluyan nang sagutin ng "yes" ni Miho si Tommy sa "Tomiho: A Love Realiserye" segment ng It's Showtime ngayong araw, December 19.

Umusbong ang love story nina Miho at Tommy sa Pinoy Big Brother 737 hanggang sa matuloy na ito sa noontime show ng ABS-CBN.

Bago muling tanungin ni Tommy si Miho sa episode ng It's Showtime kanina, pinakilig muna ng dalawa ang madlang people nang kantahin nila ang "How Did You Know" ni Gary Valenciano.

Kahapon, December 18, tinanong ni Tommy si Miho kung payag ba itong maging boyfriend niya, ngunit hindi muna nagbigay ng sagot si Miho.

Matapos ang performance, tinanong muli ni Tommy si Miho at sinabing: "Miho, puwede ba kitang maging girlfriend?"

Bago sagutin, sabi ni Miho kay Tommy, "Tommy, nung nakilala kita dun sa loob ng Bahay ni Kuya, halos araw-araw tayo nagkasama sa loob ng tatlong buwan, three months.

"Unang-una, sa totoo lang, hindi ako naniniwala sa iyo dahil siyempre PBB, show yun, e, ang daming camera.

"Tsaka akala ko, unang-una, baka sinasabi mo lang 'yan para sa show, yung parang ganun.

"Hindi ako talaga naniniwala sa 'yo."

Nagbago raw ang pagtingin na ito ni Miho kay Tommy dahil naging masigasig pa rin sa panliligaw si Tommy kahit nasa labas na sila ng Big Brother house.

Kuwento muli ni Miho, "Tapos, pagkatapos ng Bahay ni Kuya, eto nasa labas na tayo, nasa outside na tayo ngayon, akala ko magbabago ka, magbabago yung isip mo.

"Pero nakikita ko sa araw-araw, hindi ka naman nagbago, ganun ka pa rin.

"At yun, pinakamasaya ako na ginawa mo, inintindi mo yung... inalagaan mo yung mommy ko, si Aimi, yung mas binibigyan mo siya ng respeto kaysa sa akin, yun ang nagustuhan ko sa 'yo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, sinagot na ni Miho si Tommy.

Sabi niya, "Kaya gusto kong malaman mo Tommy na, yes."

Tila hindi naman agad makapaniwala si Tommy dahil tinanong muli nito si Miho: "Sigurado ka na? One hundred percent?" 

Ngunit ayon kay Miho, pinag-isipan niya nang mabuti ang desisyong ito.

Sabi pa niya, "Hindi ko inisip yung pressure, hindi ko inisip yung taong-bayan, basta sarili ko lang ang inisip ko."

Hindi na natapos ni Miho ang kanyang sinasabi dahil niyakap na siya agad ni Tommy.

Pagkatapos nito, binigyan ni Tommy si Miho ng isang singsing.

Pero paglilinaw niya, "Hindi wedding ring ito. I guess, sorry guys, this is a promise ring."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN