Angelica Yap gives update on slain mom's murder case

Angelica Yap (a.k.a. Pastillas Girl) hints at love angle regarding her slain mom's (right) murder case, but also admits that politics might also be involved: "Dapat open mind po lahat, kasi mahirap pag naka-focus ka sa personal lang. Baka mamaya meron tayong hindi nakikita na nandiyan lang pala yung pumatay."


Unti-unti nang nagkakaroon ng linaw ang kaso kaugnay ng pagpaslang sa ina ni Pastillas Girl (a.k.a. Angelica Jane Yap) na si Maria Theresa Hernandez.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Angelica noong maging guest siya sa LoveLife Health and Beauty Wellness International Film Festival, na ginanap sa X Gallery C sa Quezon Memorial Circle, kamakailan, sinabi nitong ayaw pang sabihin ng mga awtoridad kung ano ang nakikita nilang anggulo sa pagkakabaril sa kanyang ina.

Saad ni Angelica, “Happy naman ako, kasi ginagawa naman naman po nila lahat para malaman kung sino po ang pumatay kay Mommy.

“Kasi sabi nila, gunman daw talaga yung bumaril.

“Tapos, hinahanap nila yung possible na connected sa gunman. Actually, meron na silang suspects.

“Tapos, hinahanap na lang nila yung connections ng gunman kung sino yung possible na puwedeng mag-utos para patayin si Mommy.”

Tumangging magbigay ng kumpirmasyon si Angelica tungkol sa sinasabing anggulo na maaaring ang pumaslang sa kanyang ina ay ang dalawang lalaking nagkaroon ng kaugnayan dito.

Pero ayon sa kanya ay may love angle ang kaso ng ina.

Pagkumpirma niya, “May ganun nga po.

“Isa rin po sa mga tinutukang angle, kasi si Mommy naman, first time niya po sa politics.

“Pero imposible naman yun [ang motive for murder], kasi kagawad lang naman siya.

“Pero at the same time, tinitingnan din yung angle na yun.

“Dapat open mind po lahat, kasi mahirap pag naka-focus ka sa personal lang.

“Baka mamaya meron tayong hindi nakikita na nandiyan lang pala yung pumatay.”

DEATH THREATS. Wala bang ikinukuwento ang ina niya bago ito napaslang sa mga pinagdaanan nito araw-araw, gaya ng kung may nagbabanta ba sa buhay nito?

Pagbabalik-tanaw ni Angelica, “A week before na namatay si Mommy, sinabi na niya sa akin about yung sa death threat niya.

“Kaya lang, yung death threat niya, isang taon na kasi yun. Kumbaga, isang taon na tuluy-tuloy ang death threat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi tinukoy pero sinabi ni Angelica na ang nasabing death threat ay galing nga sa isang manliligaw ng kanyang ina.

“Opo, may ganung eksena rin.

“Kaya nga doon sa ginagawa nilang investigation, yung phone ng mommy ko kasi naalala ko, ibinilin...

“Nung napag-usapan na po namin nung patay na si Mommy, ibinilin niya pala sa pinsan ko na kung anu’t ano man daw ang mangyari sa kanya, malalaman daw kung sino ang pumatay sa kanya through her phone.

“Kasi lahat daw, nandun ang mga death threats at kung saan galing. Yung phone, ako po mismo ang nagbigay sa NBI.

“Ako rin po mismo, pinakialaman ko nang konti [yung phone].”

Bagamat hindi naman direktang sangkot si Angelica sa kaso ng ina, pinag-iingat na rin siya ng kanyang mga mahal sa buhay.

Dagdag pa niya, “Lalo po na ako yung laging nasa labas. So, pinag-iingat din po nila ako.

“Of course, natatakot din po. Kasi po, pag lalaban ka, puwedeng makuha yung justice kay Mommy.

“Kailangan hindi po talaga matakot. Nandiyan naman po yung family ko to support me.

“Nagiging observant na lang po ako.”

Idinadaan na lang daw ni Angelica sa dasal ang paglabas-labas niya ng bahay.

Wala naman siyang pera para mag-hire ng bodyguards at hindi naman daw siya nakakatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay.

SUPPORT FROM SHOWTIME FAMILY. Produkto ng It's Showtime si Angelica na nakilala bilang Pastillas Girl. Anong support ang natanggap niya mula sa mga host at staff ng show?

Aniya, “In-invite naman po nila ako nung isang Monday.

“Then, nung namatay si Mommy, dumalaw din po yung mga staff.

“Nagpadala rin po ng flowers si Ate Vice. Nakausap ko rin po siya.

"Yung mga hosts ng Showtime, after na nilibing si Mommy ng Sunday, sabi nila, lagi raw po silang nandiyan para sa akin.

"And thankful naman po ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tatlong araw na nagkasakit si Angelica at dito niya hinahanap ang namayapang ina.

Malungkot niyang saad, “Nakakapanibago dahil walang nag-aalaga sa akin.

“Usually, pag may sakit ako, talagang nandiyan siya, hindi niya ako iniiwan, pinupunasan niya ako.

“Ang nag-aalaga sa akin ngayon, si Nanay [manager niyang si Gio, na manager din ni Mark Neumann], daddy ko, mga kapatid ko.

“E, ako yung madalas na nag-aalaga sa mga kapatid kasi ako yung ate.”

Wala pang plano ang pamilya ni Angelica sa kung paano nila idadaos ang Kapaskuhan.

Hindi raw niya alam kung paano sisimulan dahil nakagawian na raw nila na ang kanilang ina ang nagbibigay ng gift sa kanila.

“Parang maayos na ang lahat, ganun siya.

“Kasi bago siya mawala, nakita ko yung mga damit na binili niya, nag-shopping na pala siya para sa mga pinsan, tito, tita, nakalagay lang sa paper bag.

“So, yung ibang plano po, kasama na lang sa Christmas yung mga relatives ni Mommy.”

REGRETS. Pinangiliran ng luha si Angelica nang ikuwento na ibinulong niya sa kanyang ina na mahal na mahal niya ito habang nag-aagaw buhay sa ospital matapos ang pagkakabaril dito.

Salaysay pa ni Angelica, “Kasi nung nasa ospital, brain dead na po siya.

"Pero may heartbeat pa po siya. “Alam kong naririnig niya ako.

“Yun lang po ang gusto kong sabihin sa kanya—na mahal na mahal ko siya at saka sorry, kasi sayang, ang dami sana naming oras.

“Ang dami kong pinagsisihan na sana nadala ko siya sa Japan, sana kasama ko siya sa ganitong lugar.

“Kasi dati call center agent ako, sakto lang para makatulong sa kanya.

"Yung mga naipon ko ngayon, nanghihinayang ako. Hindi ko na mai-share sa kanya.

“Ang gusto niya, maisama niya kami sa Japan.

“Dati kasi nagdya-Japan si Mommy as entertainer. Ngayon, hindi niya kami madala doon kasi nag-aaral pa kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sayang, sa Disneyland sana niya kami gustong dalhin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN