Senator Grace Poe welcomes DNA test probe

Senator Grace Poe says that whatever the results of her DNA tests will reveal, she will forever be assured of the love of her adoptive mom Susan Roces


Mismong si Senator Grace Poe ang nagsabing suportado ng kanyang adoptive mother na si Susan Roces ang paghahanap niya sa kanyang biological parents.

Muling nabuhay ang isyu dahil sa paglitaw ng mga tao mula sa Guimaras Island na nagpahayag na malaki ang posibilidad na kamag-anak nila si Grace na idineklara na “foundling.”

Sabi ng senadora, “Alam niyo naman yung mom ko, cool lang 'yan.

“Wala naman at hindi naman makakasama, di ba, kung magpa-DNA test tayo?”

Nagpapasalamat si Grace dahil itinuring siyang tunay na anak ni Susan at ng pumanaw na asawa nitong si Fernando Poe Jr.

Anuman ang maging resulta ng DNA test, mananatili na totoong ina ang trato ni Grace sa nakagisnan na ina at magpapatuloy siya sa paghahanap sa kanyang tunay na pinagmulan.

Saad niya, “Kung hindi [mag-match ang bagong DNA test], patuloy pa rin tayong maghanap.

“Dati pa naman nating ginagawa yun. Mabuti nga ngayon, may siyensya na para tumulong.

“Gayunpaman, kung hindi naman yun magiging matagumpay, ako naman po ay may kumpiyansa na rin sa pagmahahal ng aking ina.”

Idinagdag ni Grace na noon pa nito hinahanap ang kanyang biological parents, bago pa kuwestyunin ng kanyang mga kalaban sa pulitika ang pagiging Pilipino niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN