Migo Adecer and Klea Pineda named Ultimate Survivors in StarStruck 6

Sina Klea Pineda at Migo Adecer ang itinanghal na Ultimate Male and Female Survivor sa finale night ng StarStruck 6.


Sina Migo Adecer at Klea Pineda ang itinanghal na Ultimate Male and Female Survivors sa grand finale ng reality-based artista search ng GMA Network, ang StarStruck 6.

Itinanghal namang First Prince si Elyson de Dios at First Princess si Ayra Mariano.

Si Migo ay 16 years old mula sa Bacolod ngunit lumaki sa Australia; habang si Klea naman ay 16 years old mula sa Caloocan City.

Naganap ang announcement ng winners ngayong Sabado ng gabi, December 19, sa Studios 6 and 7 ng GMA Network.

Bilang winners ngayong season, kapwa makakatanggap ng P1 million, house and lot, at network contract sina Migo at Klea.

Makakasama rin sila sa remake ng Kapuso telefantasya na Encantadia.

Sina Dingdong Dantes, Kris Bernal, Rocco Nacino, at Miguel Tanfelix ang naging hosts ng Final Judgement ng StarStruck 6.

Hindi nakadalo ang StarStruck alumna at Miss World 2013 na si Megan Young dahil nag-host siya sa grand coronation night ng Miss World 2015 sa Sanya, China.

Hindi rin kumpleto ang StarStruck Council dahil wala si Joey de Leon, pero nagbigay naman siya ng video message para sa Final Four.

Humalili sa kanya ang batikang direktor na si Maryo J. de los Reyes, na sinamahan ng council members na sina Dingdong, Jennylyn, at Regine Velasquez-Alcasid.

Sa opening number, nagpasiklab ang past StarStruck winners na sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Kris Bernal, at Aljur Abrenica; kasama ang mga alumni na sina Rainier Castillo, Dion Ignacio, at Enzo Pineda.

Kasama naman ni Miguel sa opening number ang kapwa niya StarStruck Kids alumni na sina JM Reyes, Sam Bumatay, Ella Guevarra, at Sandy Talag.

Balik-entablado rin ang Avengers ng Season 6 na sina Jay Arcilla, Analyn Barro, Princess Guevarra, Lizel Lopez, Koreen Medina, Joemarie Nielsen, Avery Paraiso, Kevin Sagra, Arra San Agustin, at James Teng.

May special number naman ang Pambansang Bae na si Alden Richards, na Top 60 hopeful noong StarStruck Season 5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN