Klea Pineda overwhelmed by her win in StarStruck 6

Bata pa lang daw ay pangarap na ni Klea Pineda na maging artista at beauty queen kaya naman nagsikap daw siyang matupad ang mga ito. Kagabi, December 19, itinanghal siyang Ultimate Female Survivor ng StarStruck 6, kung saan naungusan niya ang mahigpit na katunggaling si Ayra Mariano. Ngayon, bukod sa isang milyong piso at bagong bahay at lupa, makakasama na si Klea sa Encantadia ng Kapuso Network sa 2016 at may limang taong kontrata pa siya sa GMA Artist Center.


Si Klea Pineda ang itinanghal na Ultimate Female Survivor ng StarStruck Season 6 ng GMA Network kagabi, December 19.

Base sa combined votes ng judges, texts, at online voting, masyadong dikit ang boto nila ng kanyang mahigpit na katunggali, ang itinanghal na First Princess na si Ayra Mariano.

Pagkatapos ng live telecast ng show, eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang 16-year-old na dalaga na tubong-Caloocan City.

Naiiyak na bungad ni Klea, “Hindi po. Hindi ko po talaga inaasahan…

"Hindi ko po talaga inaasahan ang pangyayaring ito, Ultimate Female Survivor.

"Kasi gusto ko lang po talaga dito ay madaanan ako ng kamera.

“Ayun lang po talaga. Hanggang sa dumagdag nang dumagdag sa akin yung bonus ni Lord, yung blessings sa akin.

"Sobrang nagpapasalamat po ako sa Kanya.”

Bilang Ultimate Female Survivor, nanalo si Klea ng isang milyong piso, isang bagong bahay at lupa, limang taong kontrata sa GMA Artist Center, at mapapasama rin sila ng Ultimate Male Survivor na si Migo Adecer sa magbabalik na GMA telefantasya na Encantadia.

Sa palagay ni Klea, ano ang naging lamang niya kay Ayra at siya ang nagwagi ng titulo?

Sabi ni Klea, na patuloy pa rin ang pagluha, “Siguro po nakikita nila ang pagiging determinado ko sa ginagawa ko, yung pagmamahal ko po sa craft ko.”

Read: Migo Adecer and Klea Pineda named Ultimate Survivors in StarStruck 6

TO BECOME A STAR. Dati na raw pangarap ni Klea ang magiging artista. Kaya raw nagpurisige siyang makamit ito sa pamamagitan ng pagsali sa reality-based artista search ng Kapuso Network.

Saad niya sa PEP, “Bata pa lang po ako, artista na po talaga ang gusto kong mangyari paglaki ko.

"Yung sumunod na maging gusto ko ay yung maging beauty queen.

"Yun po talaga, yung artista, beauty queen, tapos ngayon po matutulungan ko na yung mga kamag-anak ko na kailangang-kailangan ng tulong.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa darating na March 19, 2016, sa kanyang ika-17 na kaarawan, nais daw ni Klea na magsimula ng isang foundation.

“Balak ko po na magkaroon ng foundation para sa mga cancer patients na bata. Yun po yung gusto kong mangyari sa birthday ko.”

Ang una namang balak gawin ni Klea ngayong tapos na ang kumpetisyon ay magbabawi ng tulog.

Mensahe naman niya sa lahat ng mga sumuporta sa kanya: “Sa mga fans, supporters, at family pati kay God, maraming-maraming salamat po sa inyo.

“Simula umpisa, simula sa pinakamababa, hanggang ngayon dito sa dulo, sinuportahan niyo po ako at naniwala po kayo sa kakayahan ko.

“Naniwala po kayo sa akin na magagawa ko po bawat challenges dito.

“Maraming salamat sa pagboto niyo at pagsuporta.

"Sa pag-cheer every live show, every may mall tour, maraming-maraming salamat po.

“Kabilang po kayo sa tagumpay kong ito. Salamat po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN