Chariz Solomon gives birth to second son

In her Instagram post, Chariz Solomon (left, with husband Nestor) thanked her hubby for being with her all throughout her second Caesarean operation. The couple named their second baby boy Ali Joakim.


Isinilang ng komedyana at Bubble Gang mainstay na si Chariz Solomon ang kanyang ikalawang anak na pinangalanan niyang Ali Joakim noong Huwebes, December 17.

Sa Instagram post ni Chariz tatlong araw na ang nakakaraan, ikinuwento niya na nininerbiyos siya dahil ito na ang kanyang pangalawang Caesarean section (CS) operation. Binahagi rin ni Chariz kung paano pinagaan ng kanyang asawang si Nestor ang kanyang panganganak.

"Sobrang ninierbiyos ako sa repeat CS operation ko. My first emergency CS operation with Apollo kasi, kailangan akong patulugin bigla. So wala akong masyadong naalala.

“Kanina, I was completely aware of everything. Ninerbyos ako ng todo so I told nestor [Chariz’s husband] to play our song, using my celfone-i dont wanna miss a thing by aerosmith.

“My all-time fave song. Sobrang bagal magload sa youtube so what he did was, kinanta nya na lang yung kanta.

“Oo, habang inooperahan ako, sa operating room sa harap ng maraming tao. Narelax talaga ako.

“Salamat babe for being there. Hindi ka man songer ay talagang naappreciate ko ang effort mo. We love you dad!! We are so proud of you."

Nag-post rin ang Starstruck IV alumna ng litrato ng kanyang panganay na anak na si Apollo habang tinitingnan ang nakababatang kapatid.

There are no words. ?????????

A photo posted by @chariz_solomon on

Nag-post si Chariz kagabi ng litrato na pauwi na sila at nagpasalamat siya sa Diyos dahil sa safe delivery niya sa kanyang bagong supling.

Going home photo????????? thank you Lord for the smooth and safe delivery of Ali ??

A photo posted by @chariz_solomon on

Congratulations, Chariz!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN