Pia Wurtzbach is Miss Universe 2015!

Nagdiwang ang Pilipinas sa karangalang dinala ni Pia Alonzo-Wurtzbach sa Pilipinas sa katatapos lamang na Miss Universe 2015.


Pagkatapos ng 42 taon ay muling nagkaroon ng Miss Universe ang Pilipinas nang magwagi ang kandidata nating si Pia Alonzo-Wurtzbach sa Miss Universe 2015.

Ginanap ang coronation night ng Miss Universe 2015 sa The AXIS, Las Vegas, Nevada, nitong Linggo ng gabi, December 20 (December 21, Lunes ng umaga, sa Pilipinas).

Ngunit naging roller-coaster ride ang announcement ng winner sa 64th Miss Universe dahil sa pagkakamali ng host na si Steve Harvey.

Sa announcement of winners, naiwan sa entablado si Pia at si Ariadna Gutierrez ng Colombia na naglaban para sa korona.

Nauna nang nai-announce na si Olivia Jordan ng USA ang 2nd runner-up.

Ang in-announce ni Harvey na nanalong Miss Universe 2015 ay Colombia, kaya awtomatikong first runner-up ang Philippines.

Subalit habang naglalakad na si Ariadna suot ang kanyang korona at sash bilang Miss Universe 2015, bumalik ng stage si Harvey at tinawag ang atensiyon ng lahat upang klaruhin ang isang pagkakamali.

Ani Harvey, nagkamali siya ng pag-anunsiyo ng Miss Universe 2015.

Ang 1st runner-up daw ay Colombia at ang tunay na Miss Universe 2015 ay Philippines.

Ipinakita pa niya ang cue card na naglalaman ng ranking ng tatlong kandidata.

Nagulat naman ang lahat sa nangyari, lalo na sina Pia at Ariadna na hindi alam kung ano ang nagaganap.

Lumapit sa gitna ng stage si Pia, samantalang si Ariadna naman ay hindi pa rin makapaniwala na hindi siya ang talagang nanalo.

Bumalik din ng stage si Miss Universe 2014 Paulina Vega, na taga-Colombia rin, upang bawiin ang korona mula kay Ariadna at ipinutong ito kay Pia.

Pero hindi na nagkaroon ng moment si Pia sa live telecast dahil pinutol na ang broadcast.

Humingi naman agad ng paumanhin si Harvey at inako ang responsibilidad sa kanyang pagkakamali.

Nagbigay ng pahayag si Pia tungkol sa nangyaring mix-up: "It's a very non traditional crowing moment. It's very 2015."

PIA’S JOURNEY. Si Pia ang 63rd Miss Universe at ikatlong Miss Universe ng Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unang napanalunan ng Pilipinas ang Miss Universe crown noong 1969 nang magwagi si Gloria Diaz.

Pangalawang Miss Universe naman mula sa Pilipinas si Margie Moran noong 1973.

Sa simula pa lamang ng kumpetisyon, nagpakita na ng malaking tsansa si Pia.

Unang pinili ang Top 15.

Kasama ni Pia na tinawag sa Top 15 ang mga kandidata mula sa Brazil, Australia, Indonesia, Dominican Republic, France, USA, Curacao, Belgium, Japan, Venezuela, South Africa, Colombia, Mexico, at Thailand.

Pagkatapos tawagin ang Top 15, sumunod ang swimsuit competition at pinili ang Top 10.

Nakapasok dito ang USA, Colombia, Japan, Thailand, Australia, Dominican Republic, France, Curacao, Philippines, at Venezuela.

Sumunod dito ang evening gown competition ng Final 10.

Nagningning si Pia sa kanyang blue gown na gawa ng ng Filipino designer na si Albert Andrada.

Pagkatapos ng evening gown portion, tinawag ang Top 5.

Pangatlo si Pia sa mga tinawag. Pasok din dito sina France, Colombia, Australia, at USA.

Isang bagong component sa Miss Universe judging ngayong taon ay ang global online voting, kung saan si Pia ang nanguna sa lahat ng competitions.

Sa huling bahagi ng competition ay inanunsiyo na kabilang din sa pagdedesisyon ng bagong Miss Universe ang iba pang mga kandidata.

QUESTION & ANSWER. Sa question-and-answer portion, tinanong sa tatlong final contestants kung bakit sila ang deserving na manalo na Miss Universe.

Ang sagot ni Pia: “To be a Miss Universe is both an honor and a responsibility.

"If I were to win Miss Universe, I will use my voice to influence the youth and I would raise awareness to certain causes like HIV awareness that is timely and relevant to my country which is Philippines.

I want to show the world, the universe rather, that I am confidently beautiful with a heart. Thank you.”

Sa unang round ng question-and-answer portion, tinanong ang limang kandidata tungkol sa mga socially relevant issues.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unang tinanong si Pia kung pabor ba siya sa presence ng US military base sa Pilipinas.

Ani Pia, na-colonize ng US ang Pilipinas noon at may halong kulturang Amerikano ang Pilipinas kung kaya’t wala siyang problema kung magtayo ng military base ang US sa Pilipinas.

Itinanong kay France ang tungkol sa terorismo at kung paano ito malalabanan; ang legalisasyon naman ang marijuana ang itinanong kay Australia; drug abuse at social problem ang kay Colombia; at gun control and ownership naman kay USA.

Samantala, napanalunan ni Miss Thailand ang Best in National Costume sa kanyang Tuk-tuk inspired costume.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN