Carl Guevara enjoys being a freelancer

Ini-enjoy ni Carl Guevara ang kanyang pagiging freelance artist. Nakakapagtrabaho raw kasi siya sa iba’t ibang istasyon. Sa ngayon, mapapanood siya nang regular sa Happy Truck ng Bayan sa TV5 at baka mapasama pa siya sa isang sitcom ng istasyon sa 2016.


Masaya si Carl Guevara sa pagiging freelancer niya ngayon.

Nakakalagare raw kasi siya ng trabaho sa lahat ng istasyon na maaaring may angkop na proyekto sa kanya.

Katulad ngayon, mainstay siya sa Sunday variety show ng TV5 na Happy Truck ng Bayan.

Saad ng 26-year-old actor, “Yun pa rin, every Sunday, yung Happy Truck ng Bayan.

"Next year, abangan niyo ulit ako sa Wattpad.

“Actually, sa TV5 wala akong contract. Nakakapag-guest din ako sa GMA.

"Yung last ko sa GMA ay yung nag-guest ako sa Imbestigador.

"So, wala akong contract, per show contract lang ako."

Dagdag pa ni Carl, insidente lang ang pagkakasama niya sa variety-game show ng Kapatid network.

Ngayon, kasama na siya sa TV5 Kilig Stars ng show kabilang sina Mark Neumann, Vin Abrenica, at iba pang TV5 young stars.

“Sa Happy Truck, masaya. Una kasi, nag-guest ako dun, then na-regular ako.

"And then, nagkaroon ng isang season na kasama ako, so tuluy-tuloy pa rin siya."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carl sa launching ng Skechers Star Wars collection noong Miyerkules, December 16, na ginanap sa Skechers store sa Glorietta 2, Makati City.

Iilan sa mga disenyong inilunsad ay ang Star Wars: Damager III–Astromech, Synergy -Eulon, Jagged–Starfleet, Vert-Wise One, at Dynamo–Continuem.

NEW YEAR’S RESOLUTION. Ngayong Pasko, baka lumipad patungong Singapore si Carl, pero magsi-celebrate daw muna siya kasama ang pamilya sa umaga ng December 24 sa kanilang lugar sa Pasay.

Sa bagong taon naman daw, wala nang pangako ang aktor na babaguhin niya sa kanyang buhay.

Naniniwala kasi siyang puwede naman itong mabago kahit hindi sa bagong taon.

Saad niya, “Actually sa akin, dati may New Year’s resolution ako, pero ngayon wala na, e.

“Kasi hangga’t sinasabing may New Year’s resolution, parang sa akin, hindi natutuloy, parang hindi mo nagagawa, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, sa akin, hangga’t kaya kong baguhin kahit hindi New Year, kahit ano pang panahon, ginagawa ko na.

"Kasi hindi naman kailangang hintayin ang New Year para magbago... ako, hangga’t kaya ko nang baguhin, binabago ko na.”

Tungkol naman sa umiinit na usapin ng eleksyon sa susunod na taon, naniniwala si Carl na ang dapat iboto ng mga tao ay yung kandidatong magdadala talaga ng pagbabago sa bansa.

Aniya, “Siyempre, gusto ko yung meron talagang magagawa sa bansa natin, hindi yung sa simula puro salita.

"So, sa akin, kung sino talaga yung magustuhan ko at mapusuan ko, yun ang iboboto ko.”

Bukod sa Happy Truck ng Bayan at Wattpad, baka raw mapasama si Carl sa bagong sitcom ng TV5.

“Sabi nila mayroon daw isang sitcom sa TV5 na magbubukas, sabi kasama ako. Sana matuloy siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN